Unibersidad ng Pittsburgh
Ang Unibersidad ng Pittsburgh (Ingles: University of Pittsburgh, karaniwang tinutukoy bilang Pitt) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Pittsburgh, Pennsylvania, Estados Unidos. Noong 1787 matapos ang American Revolutionary War, ito ay itinatag bilang ang Pittsburgh Academy. Ito ay nadebelop at pinalitan ng pangalan bilang Western University of Pennsylvania sa pamamagitan ng isang pagbabago sa charter nito noong 1819. Pagkatapos ng dalawang mapangwasak na sunog at iba't-ibang relokasyon sa loob erya, ang paaralan ay inilipat sa kanyang kasalukuyan nitong lokasyon sa kapitbahayan ng Oakland sa lungsod; ito ay pinalitan ng pangalan bilang ang Unibersidad ng Pittsburgh noong 1908. Sa karamihan ng kasaysayan nito, ang Pitt ay isang pribadong institusyon, hanggang 1966 nan ito ay naging bahagi ng Commonwealth System of Higher Education.
40°26′41″N 79°57′12″W / 40.4446°N 79.9533°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.