Unibersidad ng San Francisco

Ang Unibersidad ng San Francisco (Ingles: University of San Francisco, USF) ay isang pamantasang Heswita sa San Francisco, California, Estados Unidos. Ang pangunahing kampus ng paaralan ay matatagpuan sa isang 55 akre (22 ha) na erya sa pagitan ng tulay ng Golden Gate at Golden Gate Park . Ang pangunahing kampus ay pinangalanang "The Hilltop", at bahagi ng pangunahing kampus ay matatagpuan sa Lone Mountain, isa sa mga pangunahing tampok sa heograpiya ng San Francisco. Ang historikal na kaugnayan nito sa lungsod at kondado ng San Francisco ay makikita rin sa mga tradisyonal na motto ng University, Pro Urbe et Universitate (Para sa Lungsod at Unibersidad).

Ang Hilltop Campus ng USF

37°46′46″N 122°27′07″W / 37.77944°N 122.45194°W / 37.77944; -122.45194 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.