Unibersidad ng Santiago de Chile
Ang Unibersidad ng Santiago de Chile (Ingles: University of Santiago, Chile, Kastila: Universidad de Santiago de Chile (Usach)) ay isa sa pinakamatandang pampublikong unibersidad sa Chile. Ang institusyon ay itinatag bilang Escuela de Artes y Oficios noong 1849, sa ilalim ng pamahalaan ni Manuel Bulnes. Ito ay naging Universidad Técnica del Estado noong 1947, na may iba't ibang kampus sa buong bansa. Noong 1981, bilang isang kinahinatnan ng isang reporma sa mas mataas na edukasyon sa ilalim ng diktadura ni Augusto Pinochet, ito ay nakilala bilang Universidad de Santiago de Chile, na may aktibidad na nakasentro sa isang 340,000 m² na kampus sa kabisera ng Santiago.
33°26′56″S 70°40′58″W / 33.448942°S 70.682766°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.