Unibersidad ng St Andrews

Ang Unibersidad ng St Andrews (Ingles: University of St Andrews, impormal na kilala bilang St Andrews University o sa simpleng St Andrews; dinaglat na bilang St At, mula sa Latin na Sancti Andreae, sa post-nominals) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa St Andrews, Fife, Scotland. Ito ay ang pinakamatanda sa apat na sinaunang unibersidad ng Scotland at ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa mundo na mga nagsasalita ng Ingles (kasunod ang Oxford at Cambridge). Ang St Andrews ay itinatag sa pagitan ng 1410 at 1413, nang mag-isyu ang Antipapa ng Avignon na si Benedicto XIII ng isang papal bull sa isang maliit na grupo ng mga paring Agustino.

Classics Building, Swallowgate

Ang St Andrews ay nakapagprojus ng maraming mga tanyag na nagtapos at guro, kabilang ang mga bantog na matematiko, siyentipiko, teolohiko, pilosopo, at pulitiko. Kamakailang mga nagtapos ay kinabibilangan ng dating Unang Ministro ng Scotland  na si Alex Salmond; dating Kalihim ng Estado para sa Pagtatanggol na si Michael Fallon; siklistang nanalo ng medalyang ginto sa Olimpiko na si Chris Hoy; at maharlikang si Prinsipe William, Duke ng Cambridge, at Catherine, Dukesa ng Cambridge. Kasama rin dito ang anim na Nobel laureates: dalawa sa Kimika at Pisyolohiya o Medisina, at tig-isa sa Kapayapaan at Panitikan.

56°20′28″N 2°47′35″W / 56.34121°N 2.79301°W / 56.34121; -2.79301 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.