Unibersidad ng Strathclyde

Ang Unibersidad ng Strathclyde (InglesUniversity of Strathclyde) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Glasgow, Scotland, United Kingdom. Itinatag noong 1796 bilang ang Andersonian Institute, ito ang pangalawang pinakamatandang unibersidad sa Glasgow, na nakatanggap ng tsarter bilang isang ganap na uniberasidad noong 1964 bilang ang unang pamantasang teknolohikal sa UK. Ito ay ipinangalan sa makasaysayang Kaharian ng Strathclyde.

Barony Hall, Strathclyde University

Ang Unibersidad ng Strathclyde ang ikatlong pinakamalaking unibersidad sa Scotland ayon sa bilang ng mga mag-aaral.[1]


Pinarangalan ng Times Higher Education ang Unibersidad ng Strathclyde bilang "Unibersidad ng Taon (University of the Year ) noong 2012[2] at noong 2019[3] - ang kauna-unahang unibersidad sa UK na nagtamo ng gantimpala ng mahigit isang beses.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Universities: Profiles: University of Strathclyde". Complete University Guide. Nakuha noong 18 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Previous winners :: THE Awards 2013". web.archive.org. 2016-06-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-09. Nakuha noong 2023-09-27.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "University of the Year 2019 | University of Strathclyde". www.strath.ac.uk. Nakuha noong 2023-09-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

55°51′42″N 4°14′30″W / 55.8617°N 4.2416°W / 55.8617; -4.2416   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.