Unibersidad ng Thessaly
Ang Unibersidad ng Thessaly (Ingles: University of Thessaly, Griyego: Πανεπιστήμιο Θεσσαλίας) ay isang pampublikong unibersidad sa administratibong rehiyon ng Thessaly, Gresya, na itinatag noong 1984. Kasama sa unibersidad ang pangunahing kampus sa lungsod ng Volos at mga kampus sa rehiyon na matatagpuan sa Karditsa, Larissa, Trikala, at lungsod ng Lamia. Ang sentral na gusali ng pamamahala, na matatagpuan sa baybayin ng dagat, ay madalas na tinutukoy bilang pangunahing campus, ngunit sa katunayan ang unibersidad ay walang isang solong pangunahing sayt. Mayroon itong humigit-kumulang 14,000 mag-aaral.