Unibersidad ng Urbino
Ang Unibersidad ng Urbino "Carlo Bo" (Italyano: Università degli Studi di Urbino "Carlo Bo" , UNIURB; Ingles: University of Urbino) ay isang unibersidad sa Italya na matatagpuan sa Urbino, isang bayang napapalibutan ng pader sa rehiyon ng Marche, na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng gitnang Italya. Ang Unibersidad ay itinatag bilang isang institusyong pang-akademiko noong 1506, bagaman kinikilala ito bilang isang unibersidad hanggang sa 1671. Noong 1920s nakakuha ito ng pagkilala bilang isang "malayang unibersidad", na may isang tsarter na ginawang posible ang ayuda ng estado.