Unibersidad ng Utah

Ang Unibersidad ng Utah (Ingles: University of Utah) (tinutukoy din bilang U, U of U, o Utah) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Lungsod ng Salt Lake, estado ng Utah, Estados Unidos. Bilang pangunahing unibersidad, ang Utah ay nag-aalok ng higit sa 100 undergraduate majors at higit sa 92 graduate degree na programa.[2] Kabilang sa paaralang gradwado ng unibersidad ang S. J. Quinney Kolehiyo ng Batas at ang Paaralan ng Medisina, na siyang nag-iisang medikal na paaralan sa buong estao.[3] 

Ang Block U kung saan overlooking ang unibersidad mula pa noong 1907[1]
Ang J. Willard Marriott Library

Ang unibersidad ay itinatag noong 1850 bilang Unibersidad ng Deseret ( /dɛz.əˈrɛt./[4]) sa pamamagitan ng General Assembly ng probisyonal na Estado ng Deseret,[5] kung saan nangangahulugan ito na ang institusyon ang pinakamatanda sa Utah.[2]Nakuha nito ang kasalukuyang pangalan noong 1892, apat na taon bago natamo ng Utah ang pagiging estado, at inilipat sa kasalukuyang lokasyon nito noong 1900.[5]

Ang unibersidad ay nakapaglinang ng 22 Rhodes Scholars,[6] 3 nagwagi ng Nobel Prize,[7][8][9] 3 MacArthur Fellows,[10] 2 Gates Cambridge Scholars,[11] at 1 Churchill Scholar.[12] Sa karagdagan, ang Honors' College ng unibersidad ay kabilang sa Top 50 sa bansa.[13]


Mga sanggunian

baguhin

40°45′51″N 111°50′47″W / 40.7642°N 111.8464°W / 40.7642; -111.8464