Unibersidad ng Vermont

Ang Unibersidad ng Vermont (UVM), opisyal na Unibersidad ng Vermont at Pampamahalaang Kolehiyong Pang-agrikultura (Ingles: University of Vermont) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik at, mula noong 1862, ang nag-iisang pamantasang land-grant sa buong estado ng Vermont sa Estados Unidos.[1] Itinatag noong 1791, ang UVM ay kabilang sa mga pinakamatandang unibersidad sa Estados Unidos at ang ikalimang institusyon ng mas mataas na edukasyon na itinatag sa rehiyong New England rehiyon ng hilagang-silangang US[2]

Pinangalanan kay US Senator Justin Smith Morrill, ang Morrill Hall ay itinayo noong 1906-07 upang maging tahanan ng Departamento ng Agrikultura at Istasyon para sa Eksperimentong Agrikultural
Ang George D. Aiken Center kung saan naroon ang Paaralan ng Kapaligiran at Likas-Yaman

Ang university ay inkorporado sa lungsod ng Burlington, ang pinakamataong bayan sa Vermont. Ang Dudley H. Davis Center sa kampus ay ang unang sentrong pangmag-aaral sa bansa na makatanggap ng  Leadership in Energy and Environmental Design (LEED) Gold certification.[3] Ang pinakamalaking komplex ng ospital sa estado, ang UVM Medical Center, ay may pangunahing pasilidad sa kampus ng UVM at kaanib sa ang UVM Kolehiyo ng Medisina.

Akademya

baguhin

Ang Unibersidad ng Vermont ay binubuo ng pitong andergradweyt na mga paaralan, isang Honors College, isang kolehiyong gradwado, at isang kolehiyo ng medisina. Ang Honors College ay hindi nag-aalok ng sarili nitong digri; ang mga mag-aaral dito ay kasabay na nag-eenrol sa isa sa pitong andergradweyt na kolehiyo o paaralan.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. History and Traditions : About UVM : University of Vermont Naka-arkibo 2015-05-20 sa Wayback Machine..
  2. "Summer @ UVM : University of Vermont". The University of Vermont.
  3. "Dudley H. Davis Center - Environmental Stewardship". The University of Vermont.
  4. University of Vermont. "Catalogue 2007-08 : University of Vermont". Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hunyo 2018. Nakuha noong 29 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

44°28′39″N 73°11′37″W / 44.4775°N 73.19361°W / 44.4775; -73.19361