Unibersidad ng Virginia
Ang Unibersidad ng Virginia (U.Va. o UVA) (Ingles: University of Virginia), madalas na tinutukoy lamang bilang Virginia, ay isang pampubliko-pribadong flagship at pampananaliksik na unibersidad.[1][2][3] Itinatag noong 1819 sa pamamagitan ng may-akda ng Deklarasyon ng Kalayaan na si Thomas Jefferson, ang UVA ay kilala para sa kanyang makasaysayang pundasyon, honor code na pinapatakbo ng mag-aaral, at mga lihim na samahan.
Itinalaga ng UNESCO ang UVA bilang una at tanging unibersidad na isang World Heritage Site noong 1987, isang karangalan na sinasalo sa kalapit na Monticello.[4]
Ang mga pagsusumikap ng unibersidad sa pananaliksik ay lubos na kinikilala.[5] Ang UVA ay isa sa 62 institusyon na miyembro ng Association of American Universities (AAU), isang organisasyon ng mga kilalang mga unibersidad sa pananaliksik sa Hilagang Amerika. Ito ay ang tanging miyembro ng AAU mula Virginia. Ang UVA ay nauuri bilang isang Research University na may Napakataas na Pananaliksik ayon sa Carnegie Foundation.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ UCLA Anderson Gives Up State Funding, hinango noong Pebrero 22, 2016.
- ↑ Giving Up State Funds, hinango noong Pebrero 22, 2016.
- ↑ "The Road to Financial Self-Suffiency Naka-arkibo 2016-10-09 sa Wayback Machine., hinango noong Pebrero 22, 2016.
- ↑ UNESCO World Heritage Centre.
- ↑ Two UVA Findings in the Running for Year's Biggest Scientific Breakthroughs, hinango noong Pebrero 17, 2016