Unibersidad ng Wageningen

Ang Wageningen University & Research (kilala rin bilang Wageningen UR; daglat: WUR) ay isang pampublikong pamantasang Dutch na nasa Wageningen, Netherlands. Ito ay binubuo ng Unibersidad ng Wageningen at ang dating pang-mga instituto sa pananaliksik pang-agrikultura (Dienst Landbouwkundig Onderzoek, DLO) ng Ministri ng Agrikulturang Dutch.

Aula ng Wageningen University
Panorama ng greenhouse ng gusaling Lumen

Ang Wageningen UR ay nagsasanay ng mga espesyalista (BSc, MSc at PhD) sa larangan ng biyolohiya at agham panlipunan at may pananaliksik na nakatutok sa mga problemang pang-agham, panlipunan at komersyal nsa larangan ng biyolohiya at pagkukunang likas. Sa larangan ng biyolohiya, agrikultura, at agham pangkapaligiran, ang unibersidad ay itinuturing na world-class. Ito ay ang pinakamahusay na unibersidad sa Netherlands at No. 1 sa buong mundo, sa agrikultura at panggugubat ayon sa 2016 sa QS World University Rankings chart.

Ang unibersidad ay merong humigit-kumulang 11,000 mag-aaral mula sa higit 100 bansa. Ito ay miyembro ng Euroleague for the Life Sciences (ELLS) university network.

51°59′07″N 5°39′49″E / 51.98528°N 5.66367°E / 51.98528; 5.66367 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.