Unibersidad ng Yangon
Ang Unibersidad ng Yangon (Ingles: University of Yangon, kilala rin bilang Yangon University; Birmano: ရန်ကုန် တက္ကသိုလ်, binibigkas na [jàɴɡòʊɴ tɛʔkəθò]), na matatagpuan sa Kamayut, Yangon, ay ang pinakamatandang unibersidad sa modernong sistema ng edukasyon sa Myanmar at ang pinakakilalang. Ang unibersidad ay nag-aalok ng mga digri sa antas undergraduate at postgradwado (Batsilyer, Masterado, Post-graduate Diploma, at Doktorado), sa mga larang ng liberal na sining, agham at batas.
Sa Unibersidad nagmula ang karamihan sa mga pangunahing unibersidad sa bansa. Hanggang 1958, nang maging hiwalay na institusyon ang Unibersidad ng Mandalay, ang lahat ng mga institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Myanmar ay nasa ilalim ng Yangon. Matapos ang University Education Act of 1964, ang lahat ng mga propesyonal na mga kolehiyo at mga instituto ng unibersidad tulad ng ang Institute of Medicine 1, Rangoon Institute of Technology at Yangon Institute of Economics ay naging mga independiyenteng mga unibersidad, kaya't naiwan sa Yangon ang liberal na sining, agham at batas.
16°49′48″N 96°08′06″E / 16.83°N 96.135°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.