Unibersidad ng Yaoundé I
Ang Unibersidad ng Yaoundé I (Pranses: Université de Yaoundé I; Ingles: University of Yaoundé I) ay isang pampublikong unibersidad sa Cameroon, na matatagpuan sa kabisera ng Yaoundé. Ito ay nabuo noong 1993 kaalinsunod ng isang repormang pang-unibersidad na kung saan nahati ang pinakamatandang unibersidad sa banda, ang Unibersidad ng Yaoundé, sa dalawang magkahiwalay na mga entidad: ang Unibersidad ng Yaoundé I at Unibersidad ng Yaoundé II.
Ito ay nahahati sa tatlong mga fakultad:
- Faculté des Arts, Lettres et Sciences Humaines
- Faculté des Sciences
- Faculté de Médecine et de Sciences Biomédicales
Ang institusyon ay nakakalat sa ilang mga lokasyon, ang pangunahin ay ang kampus ng Ngoa-Ekelle.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ facsciences.uninet.cm: Presentation of the University Naka-arkibo 2015-04-02 sa Wayback Machine. (retrieved on 18 Marso 2015)
3°52′N 11°30′E / 3.86°N 11.5°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.