Unique selling proposition
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Hunyo 2017) |
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Ang Unique Selling Proposition (natatanging panukala sa pagbebenta) o Unique Selling Point (natatanging punto sa pagbebenta), na mas kilala sa dinaglat na tawag na USP, ay isang termino (kataga) na karaniwang binabanggit sa larangan ng Marketing at Advertising. Ito ang nag-iisang katangian na nagpapaangat sa isang produkto laban sa kanyang mga katunggali. Karaniwan itong nababanggit o naipapahiwatig sa pamamagitan ng tagline ng produkto, kompanya o serbisyo. Mahalaga ito sapagkat sinasabi nito ang “uniqueness” o pagkakaiba ng produkto sa pagkakabalot o serbisyo kumpara sa ibang produkto. Hindi man tuwiran ay isinasaad nito ang mga katangiang wala sa ibang produkto
Halimbawa (sa ingles):
• Head & Shoulders: "You get rid of dandruff"
• Olay: "You get younger-looking skin"
• Domino's Pizza: "You get fresh, hot pizza delivered to your door in 30 minutes or less -- or it's free."
• FedEx: "When your package absolutely, positively has to get there overnight"
• M&M's: "The milk chocolate melts in your mouth, not in your hand"
• Wonder Bread: "Wonder Bread Helps Build Strong Bodies 12 Ways"
Unique Selling Proposition sa produktong Pilipino:
Hindi kaiba ang gamit nito sa mga produkto dito sa ating bansa. Madalas ay ginagamitan ito ng “insight” upang mas magkaroon ng emosyonal na koneksiyon ang produkto sa mga tao. ANg insight ay isang katotohanan sa buhay na madalas nakakaligtaan natin. Halimbawa ng insight ay ang patalastas ni Sharon Cuneta at ng kanyang anak sa isang Fast food chain. Ang insight doon ay “madalas nating sinasabing Masaya ang mga magulang pag Masaya ang kanilang anak. Ang hindi natin alam, mas Masaya ang mga anak pag nakikita nilang masaya ang kanilang mga magulang.”
Halimbawa ng mga Unique Selling Proposition sa tagalog:
- Meralco: May liwanag ang buhay
- Clusivol: dahil bawal magkasakit
- Bonamin: kontra biyahilo
- Maxxs: Sarap to the bones
- Joy Dishwashing liquid: isang patak, kaya ang sangkatutak
- Mercury Drug: Nakasisiguro, gamut ay laging bago