Ang Unisphere ay isang isperong representasyon ng mundong may labindalawang palapag . Ito ay makikita sa Liwasan ng Flushing Meadows sa boro ng Queens sa Lungsod ng Bagong York. Isa ang Unisero sa mga pinakakilala at pinakamatatag na simbolo ng borong ito.

Unisphere

Naitatag ang Unisphere para ipagdiwang ang simula ng Space Age o "Panahon ng Kalawakan", at nagawa bilang simbolo ng perya noong Pangmundong Perya ng Bagong York noong 1964/1965. Ang tema ng peryang ito ay "Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Pagkakaintindihan" at ang Unisphere ang sumimbolo bilang tema ng pangdaigdigang pagkakaisa. Ito ay isang dedikasyon sa "Ang mga Nakamit ng Tao sa Isang Lumiliit na Mundo sa Isang Lumalaking Kalawakan."

Dinesenyo ng isang arkitektong panghitsura ng lupa o landscape na si Gilmore D. Clarke ang Unisphere na ipinamahagi ng United States Steel Corporation at ginawa ng kompanyang American Bridge Division (Kahatian ng Amerikanong Tulay). Ito ang pinakamalaking estrakturang global, na tumataas sa 140 na talampakan at may bigat na 7000,000 libra. Ang iba ay nagsasabi na ang Unisphere ay may bigat na 900,000 libra, ibinase ito kung isasama ang karagdagang bigat ng 100 toneladang tripod base nito. Ang dayametro ng ispero nito ay 120 na talampakan o 36.57 na metro. Ito ay gawa sa Tipong 304L na bakal na walang bahid.

Gawa sa pundasyong istraktural sa sumuporta sa Pangmundong Perispero ng Peryang Pangmundo ng Bagong York noong 1939/1940, ang Unisphere ay nakasentro sa isang malaki, pabilog na tubigan at napapalibutan ng serye ng mga puwente na idinisenyo para hindi masyadong makita ang tripodang pedestal nito. Ito ay para magmukhang lumulutang sa kalawakan ang Unisphere.

Tatlong malalaking orbitong gawa ng stainless steel o bakal na walang bahid ang umiikot sa Unisphere sa ibat-ibang mga anggulo. Ang mga orbito na ito ay nagrerepresenta ng dinaanan nila Yuri Gagarin, ang unang tao sa kalawakan, John Glenn, ang unang Amerikanong nak-orbito sa mundo, at ang Telestar, ang unang aktibong satelayt na pangkomunikasyon.

Mga sanggunian

baguhin

Panlabas na mga kawing

baguhin