University of Engineering and Technology, Lahore

Ang University of Engineering and Technology, Lahore (UET Lahore) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Lahore, Punjab, Pakistan na dalubhasa sa mga asignatura ng agham, teknolohiya, inhenyeriya, at matematika (STEM).

UET Lahore City Campus, Main Block
Department of Chemical Engineering

Itinatag noong 1921 bilang Mughalpura Technical College, ito ay pinalitan ng pangalan bilang MacLagan Engineering College noong 1923 bilang karangalan kay Edward Douglas MacLagan. Noong 1932, ito ay naging isang kaakibat na kolehiyo ng Unibersidad ng Punjab at nagsimulang mag-alok ng mga di-gradwadong digri sa mga disiplina sa inhenyeriya. Noong 1962, binigyan ito ng charter at pinangalanang West Pakistan University of Engineering and Technology, Lahore. Noong 1972, opisyal na itong pinangalanan bilang University of Engineering and Technology, Lahore. Ang pangalawang sangay na kampus ng unibersidad ay itinatag noong 1975 sa Sahiwal na inilipat sa Taxila noong 1978 at naging isang independiyenteng unibersidad noong 1993 na tinawag na University of Engineering and Technology, Taxila. Gayunpaman, nananatiling may 4 kampus ang UET Lahore sa buong Pakistan.

Mga koordinado: Missing latitude
Naipasa na ang hindi katanggap-tanggap na mga pangangatwiran papunta sa tungkuling {{#coordinates:}} Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.