Unibersidad ng Mannheim

Isang pampublikong unibersidad sa Mannheim, Baden-Württemberg, Alemanya
(Idinirekta mula sa University of Mannheim)

Ang Unibersidad ng Mannheim (Aleman: Universitat Mannheim, Ingles: University of Mannheim), dinaglat na UMA, ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa Mannheim, Baden-Württemberg, Alemanya. Itinatag noong 1967, ang unibersidad ay maiuugat sa Palatin Academy of Sciences, na itinatag ng elektor na si Carl Theodor sa Palasyo ng Mannheim noong 1763, pati na rin sa Handelshochschule (Kolehiyong Komersyal ng Mannheim), na itinatag noong 1907.

Mannheim Centre for European Social Research (MZES)

Ang unibersidad nag-aalok ng mga programa sa antas undergraduate at gradwado sa mga larangan ng negosyo, ekonomiks, batas, agham panlipunan, sining, matematika, agham pangkompyuter at impormatika. Ang kampus ng unibersidad ay matatagpuan sa sentro ng lungsod ng Mannheim at ang pangunahing campus ay nasa Palasyo ng Mannheim.

49°28′59″N 8°27′43″E / 49.483°N 8.461811°E / 49.483; 8.461811 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.