Itaas na Paleolitiko
(Idinirekta mula sa Upper Paleolithic)
Ang Itaas na Peleolitiko (Ingles: Upper Paleolithic, Upper Palaeolithic o Late Stone Age) ang ikatlo at huling subdibisyon ng Paleolitiko o Lumang Panahon ng Bato gaya ng pagkaunawa sa Europa, Aprika at Asya. Sa napakalawak, ito ay may petsa sa pagitan ng 50,000 at 10,000 taong nakalilipas na tinatayang kasabay ng paglitaw ng pagiging moderno ng pag-aasal at bago ang pagsisimula ng agrikultura. Ang mga terminong Huling Panahong Bato at Itaas na Paleolitiko ay tumutukoy sa parehong mga panahon. Para sa mga kadahilanang historikal, ang "Panahong Bato" ay karaniwang tumutukoy sa panahon sa Aprika samantalang ang "Itaas na Paleolitiko" ay pangkalahatang ginagamit upang tukuyin ang panahon sa Europa.