Usapan:Abenida ng United Nations
Latest comment: 10 year ago by Jojit fb in topic Pangalan: Abenida ng United Nations o Abenida ng Nagkakaisang Bansa (United Nations Avenue)
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Abenida ng United Nations. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Pangalan: Abenida ng United Nations o Abenida ng Nagkakaisang Bansa (United Nations Avenue)
baguhinIto ay dapat Abenida ng United Nations, lilituhin niyo lamang ang mga manlalakbay kasi kahit saan mang mapa o mismo sa UN Avenue e, wala namang nakalagay na Abenida ng Nagkakaisang Bansa. --Jojit (usapan) 03:54, 4 Hunyo 2014 (UTC)
- Nilipat ko na lang dahil proper noun ito at hindi dapat isalin. --Jojit (usapan) 04:39, 5 Hunyo 2014 (UTC)
- Hindi eh, at sasagutin ko ito sa mga sumusunod na punto:
- Una, nakakarga na ang pangalan sa Ingles sa orihinal na bersiyon ng artikulo (na nakalagay pa sa ilalim ng pamagat "Ikinarga mula sa United Nations Avenue") upang hindi malito ang mga mambabasa. Kung makikisabay ako sa argumento mo na "lilituhin niyo lamang ang mga manlalakbay kasi kahit saan mang mapa o mismo sa xxx e, wala namang nakalagay na xxx", mas nararapat na lamang na lahat ng mga artikulong may kaugnayan sa kalsada, kalye, daan, lansangan, atbp. ay nasa Ingles na lamang, dahil tutal naman, walang gumagamit ng pangalan sa Tagalog/Filipino. Gayunpaman, ito ang Wikipediang Tagalog, at may salita tayo sa leksikon para sa mga uri ng kalsada at lansangan.
- Pangalawa, opisyal na ginagamit ng Pamahalaan ng Pilipinas ang "Mga Nagkakaisang Bansa" upang tumukoy sa organisasyon (pinagtaluhan na ito sa artikulo nito dito sa Wikipedia). Magiging natural lamang na ito rin ang magiging turing sa organisasyon sa lahat ng konteksto nito. Pagkukulang na iyan ng pamahalaan kung bakit naririto tayo sa sitwasyon kung saan opisyal na ginagamit ng Pamahalaan ng Pilipinas ang pangalang iyon ngunit hindi kaya nitong gawing unibersal. (Gayunpaman, wala namang posisyon siguro ang PhilPost sa pagsusulat ng mga direksiyon sa Tagalog/Filipino, kaya nananatili itong Ingles.)
- Ito ang isa sa mga pagkukulang ng Ortograpiyang Pambansa/Ortograpiyang Filipino: hindi dapat isinasalin ang mga pangngalang pantangi, ngunit paano na ang mga pangangalang pantangi na may umiiral nang salin sa Tagalog/Filipino? Dapat may konsistensi tayo: mas lilituhin mo pa ang mga mambabasa ng Wikipedia kung mananatili ang "United Nations" sa ilang konteksto at "Mga Nagkakaisang Bansa" sa iba, kaysa sa mamili tayo ng iisang paggamit sa buong Wikipedia. --Sky Harbor (usapan) 07:22, 11 Hunyo 2014 (UTC)
- Magkaiba ang kaso ng ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Abenida ng United Nations. Tanggap na may salin ang United Nations sa Tagalog, ang United Nations Avenue ay wala. Hindi nakakalito sa Wikipedia kung ang iba ay mga Nagkakaisang Bansa at ang iba ay United Nations. May konteksto ang bawat kaso. Yung isa ay organisasyon at yung isa ay para sa abenida. At saka ang pagkakaalam ko, mas lamang ang popular na gamit kaysa opisyal na gamit sa Wikipedia.
- Hindi talaga mai-a-apply ang nais mo sa totoong buhay. Halimbawa, masasabi mo ba sa bilihan ng tiket ng LRT na pupunta ka sa Abenida ng mga Nagkakisang Bansa? Malamang pagtawanan ka lang ng kahera. Mahirap ipatupad ang sinasabi mo sa lahat ng pagkakataon para lamang maging consistent. Halimbawa, mayroong Batasan Road at mayroong Congressional Avenue na magkalapit pa at parehong nasa Lungsod Quezon. Di ba nakakalito kung ang magiging salin ng Congressional Avenue ay Abenida ng Pambatasan?
- Panghuli, consistent nga ba tayo dito sa Wikipediang Tagalog? E, bakit ang artikulo ng begging the question ay hindi nakasalin sa likas (o literal) nitong salin? Tapos nga yung pangunahing artikulo tungkol sa LRT ay may titulong Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila ngunit yung mga estasyon ay LRT pa rin katulad ng Estasyong Recto ng LRT. Kung consistency ang habol dapat ang pamagat ay Estasyong Recto ng MRP kasi "Magaan na Riles Panlulan" ang tawag ninyo sa Light Rail Transit. Wala man lamang mangahas na kwestyunin yan maliban lang ngayon. --Jojit (usapan) 09:46, 11 Hunyo 2014 (UTC)