Usapan:Abkhazia

Latest comment: 15 year ago by Pare Mo in topic kh

kh

baguhin

Marahil mas mabuting ibalik na muna natin ang pangalan ng artikulong ito sa orihinal, Abkhazia. Ang kh sa Inggles ay transliterasyon ng [x]. Sa Kastila, ang tunog na 'yon ay kinakatawanan ng titik j. Sa wika natin, ang j sa Kastila ay ginagawang h. Kung susundan 'yon, dapat Abhasya ang maging pamagat ng artikulong ito. Mapipilitan tayong mamili sa pagitan ng Abhasya o Abkasya bago pa man maglabas ang KWF ng wastong anyo ng pangalan.

Gayumpaman, may bahagi sa ortograpiya ng 2007 (sapagkat wala akong kopya ng sa 2008) na nagsasaad na, kung kinakailangang manghiram ng banyagang salita, sa Kastila muna dapat tumingin bago sa Inggles.

Dahil dito, para sa akin, Abhasya talaga ang nararapat o, kung di-maaari, Abkhazia na muna. Ano pananaw 'nyo? --Pare Mo 09:14, 21 Disyembre 2008 (UTC)Reply

Return to "Abkhazia" page.