Usapan:Agham na porensiko
Latest comment: 12 year ago by Lenticel in topic forensika vs porensika
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Agham na porensiko. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
forensika vs porensika
baguhinAng modernong filipino ay nakabatay sa http://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_alphabet na gumagamit ng letrang f at hindi na sa lumang alpabeto na walang f kaya mali na palitan ang f ng p kung ito ay maaari ng gamitin sa modernong filipino. Kung walang dahilang maiibigay dito upang gamitin ang p, muling ko itong ililipat sa forensika.04:48, 27 Enero 2012 (UTC)
- Ito ang sinusunod na estilo ng alpabeto sa wikipediang Tagalog: Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay para sa unipormidad. - AnakngAraw 04:55, 27 Enero 2012 (UTC)
- Pero ang nakalagay sa gabay na sinasabi mo ay : Sa Tagalog Wikipedia, ginagamit ang isang mas malawak na uri ng abakada o alpabeto. Kinikilala ito dito bilang abakada ng Wikang Wiking Tagalog o alpabeto ng Wikang Wiking Tagalog na nakabatay sa pinagsamang abakada ng wikang Tagalog at abakada ng Ortograpiya ng Wikang Filipino ng 2008. Tapos sinipi rin si Leo James English: "The alphabet (abakada) used in this dictionary consists of twenty letters including the vowels: a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w and y. It is now commonly admitted that this alphabet should be enlarged to include the letters c ch f j q and v. These additional letters are often used by writers in spelling capital names and many loan words borrowed from Spanish and English."Aghamsatagalog2011 19:01, 28 Enero 2012 (UTC)
- Ang nagpasya niyan ay pamayanan. Hindi maaaring isa lamang, katulad mo, ang magpasya lamang niyan. Dapat mo itong maunawaan. Sa wikipedia, kailangan ang pamantayan o standardization. Isa iyan sa mga ikinunsidera noong nagsisimula pa lamang ang Tagalog wikipedia. - AnakngAraw 20:53, 28 Enero 2012 (UTC)
- Batay sa talaan na itinatag ang F ay isang natatanging titik, na ibig sabihin kung maaaring gamitin ang P sa halip na F, gagamitin ang P. - AnakngAraw 20:56, 28 Enero 2012 (UTC)
- Basahin mo rin ang Gabay sa Ortograpiya:
- Batay sa talaan na itinatag ang F ay isang natatanging titik, na ibig sabihin kung maaaring gamitin ang P sa halip na F, gagamitin ang P. - AnakngAraw 20:56, 28 Enero 2012 (UTC)
- Mga tuntunin sa paghihiram ng salitang banyaga
- Kung hihiram sa Espanyol, baybayin ang salita ayon sa Abakada
- Kung hihiram sa Ingles at ibang salitang dayuhan, panatilihin ang orihinal na baybay nito
- Panatilihin ang baybay ng mga salitang pantangi, teknikal at pang-agham
- Baybayin alinsunod sa Abakada ang mga hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o kahulugan sa orihinal
- Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit
- Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa Abakada sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Ang istriktong ponetikong baybay sa mga hiram na salita, lalo na sa wikang Ingles, ay nakikipagkumpetensiya sa orihinal na baybay.
- Sumunod sa opisyal na pagtutumbas (hal. Pilipinas, 'di Filipinas) - AnakngAraw 20:58, 28 Enero 2012 (UTC)
- Mga tuntunin sa paghihiram ng salitang banyaga
- Sinasabi mong pamayanan ang nagpasya pero ikaw lang nakikita kong nag-ambag dito batay sa kasaysayan ng artikulong ito. Sinasabi din sa http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Consensus#Determining_consensus : Consensus is not unchangeable, and matters that have been discussed in the past can be raised again, especially if there are new arguments or circumstances that were not properly considered before. On the other hand, if a subject has been discussed recently, it can be disruptive to bring it up again. As a practical matter, "according to consensus" or "violates consensus" are weak reasons for rejecting a proposal; instead, the reasons for objecting should be explained, followed with discussion on the merits of the proposal.
- Sa opinyon ko, may mga salitang dapat panatilihin ang f kahit na tinagalog dahil ang ugat ay nagmula sa salitang likas na gumagamit nito gaya nga ng forensics na mula sa Latin na forēnsis. Halimbawa rin sa kaso ng ferromagnetism, sa tingin ko hindi masamang isaling ferromagnetismo sa tagalog na pinapatili ang f dahil ito ay nagmula sa ferro na nagmula sa latin na ferrum(iron). Marami pang salita na sa tingin ko ay hindi angkop na basta na lang palitan ng p gaya ng fuzzification na pussipikasyon sa tagalog etc.
- Ayon sa ikalawang patakaran, Kung hihiram sa Ingles at ibang salitang dayuhan, panatilihin ang orihinal na baybay nito, pero bakit mo tinagalog ang forensic na porensiko kung dapat pa lang panatilihin ang orihinal na baybay? Ang nakakalito rin sa gabay na ginawa mo, sinasabi mong ang abakada ay kinabibilangan ng modernong filipino alphabet kasama ang f at Ññ pero ayaw mong gamitin ang f sa orihinal na dayuhang salita. Sabi mo din: Baybayin alinsunod sa Abakada ang mga hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o kahulugan sa orihinal. Hindi ko alam kung Lumang Abakada pa rin ang tinutukoy mo rito o modernong alpabetong filipino na inilarawan mo sa unang seksiyon ng artikulong ito. Aghamsatagalog2011 21:09, 28 Enero 2012 (UTC)
- Ang ibig kong sabihin, pamayanan ang nagkasundo sa pamantayan. Maaari itong pag-usapan ulit sa WP:KAPE. Palagay ko makakatulong sa atin sila. - AnakngAraw 01:53, 29 Enero 2012 (UTC)
- Pero pakibasa rin nga pala ito: Wikipedia:Pamantayang pangwika. - AnakngAraw 02:02, 29 Enero 2012 (UTC)
- Mas mabuti kung ang pinagkasunduan dito ay sinusuportahan rin ng ebidensiya ng mga linguista at eksperto at hindi lang mga sariling opinyon. Halimbawa, tinalakay ko na sa kapihan na ang prioridad ayon sa mga eksperto ng linguistika ang pagamit ng karaniwang mga salitang tagalog, tinagalog na kastilang hiram, ingles at katutubo. Kung makakapagpakita kayo ng ebidensiya na salungat dito ay papayag akong sundin ang gabay na ibinigay mo sa itaas. Kung ang sanggunian rin lang ay diksiyonaryo, paano malalaman kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prioridad kung ang mga ito ay nabibigay ng magkakasalungat na salin gaya ng uri at espesye para sa ingles na species. Hindi rin sinasabi sa mga diksiyonaryong ito kung alin ang dapat bigyan ng prioridad sa maraming mga entradang nakatala sa mga diksiyonaryong ito para sa isang salita. Halimbawa, dapat bang mas bigyan ng prioridad ang bathala dahil ito ay mas katutubo o ang diyos dahil ito ay mas karaniwan. Maliwanag na mas katutubo ang bathala pero hindi ito ginagamit para sa artikulong diyos gayundin ang mga salitang salumpuwit, salipawpaw etc.Aghamsatagalog2011 02:21, 29 Enero 2012 (UTC)
- forensic daw sabi ng UP Diksyunaryong Pilipino.--Lenticel (usapan) 05:37, 16 Pebrero 2012 (UTC)