Usapan:Banu Adi
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Banu Adi. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
genophobia
[0] Genophobia ay ang pisikal o sikolohikal na takot sa relasyong sekswal o pakikipagtalik. Ito ay mula sa mga salitang Griyego na genos ibig sabihin "anak," at phobos, ibig sabihin ay "takot." Genophobia ay kilala rin sa tawag na coitophobia. Ito naman ay hango sa mga salitang Griyego na phobos at coitus na tumutukoy sa copulation o ang pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae. Ang katagang erotophobia ay maaari ding gamitin kapag naglalarawan ng genophobia. Ito ay mula sa pangalan ni Eros, diyos ng Griyego ng erotikang pag-ibig. Ag genophobia maaaring magdulot ng pagkataranta at takot sa mga indibidwal. Ang mga taong nakararanas ng takot ay maaaring maging labis na apektado sa mga tangkang pakikipagtalik o ang ideya nito. Ang matinding takot ay maaaring humantong sa problema sa romantikong pakikipagrelasyon. Ang mga apektado ng genophobia maaaring maging malayo ang kalooban sa pakikipagrelasyon upang maiwasan ang posibildad ng pagiging malapit. Ito ay maaaring humantong sa kalungkutan. Ang mga genophobic na tao ay maaaring makaramdam ng kalungkutan dahil sila ay nahihiya sa kanilang personal na mga takot.
Sanhi
Mayroong iba't ibang mga kadahilanan kung bakit ang mga tao ay nakararamdam ng genophobia. Ilan sa mga pangunahing sanhi ay dating insidente ng seksuwal na assaults o pang-aabuso. Ang mga pangyayaring ito ay lumalabag sa pagtitiwala ng biktima at nag-aalis sa kanyang pansariling karapatan. Isa pang posibleng dahilan ng genophobia ay ang pakiramdam ng matinding kahihiyan dahil sa aspetong medikal. Ang iba ay maaaring magkaroon ng takot nang walang anumang matukoy na dahilan. Ang panggagahasa ay labag sa batas na pakikipagtalik dahil sa sapilitan o pwersahang kilos ng isang tao sa kanyang kapwa. Maaaring kabilang dito ang penetration, maaari ring hindi. Amg mga biktima ng panggagahasa ay maaaring lalaki o babae. Kababaihan at mga batang babae ang karamihan sa mga biktima at lalaki naman ang karamihang maysala. [3] "Ito ay ang pinaka matinding posibleng panghihimasok sa pisikal at emosyonal na privacy ng tao. Ito ay itinuturing na karumal-dumal na krimen dahil ang mga biktima ay inaatake sa napakapersonal na paraan at dahil ito ay ginagamitan ng pisikal na pwersa o panloloko. Ang panggagahasa ay maaring maging masakit sa pisikal ngunit higit pa rito ay ang sakit na dadalhin sa emosyonal na aspeto. Mas inilalarawan itong panghihimasok sa sarili kaysa panghihimasok sa katawan. Madalas magkaroon ng matinding emosyonal na reaksyon ang mga biktima nito, karaniwan sa isang predictable order. Ito ay kilala bilang rape trauma syndrome.
Ang mga biktima ng rape ay maaaring makaranas ng karagdagang stress pagtapos ng pangyayaring ito sa kung paano makitungo sa kanyang sitwasyon ang mga hospital staff, pulis, kaibigan, pamilya at iba pang malalapit sa kanya. Sila ay kadarasang nakararamdam ng mababang pagtingin sa sarili at pagiging walang kuwenta . Sila ay naghahanap ng kaligtasan at kontrol sa kanilang buhay. Ang mga biktima ng panggagahasa ay nagkakaroon ng takot sa seks dahil sa mga kadahilanang pisikat at sikolohikal. Habang sila'y naaabuso, sila ay nakararanas ng pisikal na trauma tulad ng pamamaga, pasa,impeksyon at pagkairita sa genitals, pagkapunit ng vaginal walls at pagdudugo ng puwit. Kalaban din nila ang takot na maulit ang karahasang sinapit. Ang posibilidad na ito ng panggagahasa ay maaring magdulot ng stress sa kanyang mga relasyon. Ang ilang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring maging mapagduda at hindi nagtitiwala sa iba. Sila rin ay matatakutin sa seks dahil sa naidulot na pisikal at mental na sakit.
Pagmomolestiya
Ang pagmomolestiya sa bata, ay isang anyo ng sekswal assault na kung saan ang nakatatanda ay ginagamit ang bata para sa kanyang sekswal na kasiyahan. Kasama rito ang pakikipag-usap sa bata upang makipagtalik, pagpapakita ng pornograpiya, pagtawag upang makalikha ng poronograpiya,paglalantad ng mga maselang bahagi ng katawan sa bata, pagkarinyo ng maselang bahagi ng katawan ng isang bata, o pagpupumilit sa kaniya na maging bahagi ng seks. Hindi madalas gumagamit ng pwersa sa pagmomolestiya. Karaniwan, ang mga bata ay sumasali dahil wala silang muwang kung ano ang nangyayari. Madalas din silang natatakot sa mas nakatatanda. Ang mga batang biktima ay mararamdaman lang ang kanilang karanasan kapag sila'y lumaki na o kung naintindihan na nila kung ano ang nangyari sa kanila. Madalas nilang nararamdaman na ang kanilang privacy ay natapakan noong sila ay bata pa para sumang-ayon. Pakiramdam nila sila ay niloko at pinagsamantalahan ng mga pinagkakatiwalaan nila. Ang mga biktima rin ay maaaring makaranas ng matagalang sikolohikal na trauma. Ito ang nagtutulak sa kanila upang hindi magtiwala sa iba. Ang kakulangan ng kumpyansa sa iba ay maaaring humantong sa takot sa pakikipagtalik.
Incest
Incest ay ang sekswal na interaksyon sa pagitan ng dalawang tao na may kaugnayan, ngunit hindi kasal. Ito ay maaaring magsimula kapag ang biktima ay bata pa o pagkatapos ng pagdadalaga o pagbibinata. Ang salarin ay karaniwang tinutukoy na pedophile, maaaring lalaki o babae at sila ay maaaring mang-abuso ng mga batang kababaihan at kalalakihan. Ang mga biktima ng incest maaaring mawalan ng tiwala sa iba. Sila ay maaaring makaramdam na walang sinuman ang maaring pagkatiwalaan dahil mismong kanilang mga miyembro ng pamilya ay sinamantala ang kanilang pagkainosente. Sila rin ay wala o kaunti ang nakukuhang kasiyahan sa pakikipagtalik. Ang mga iba ay nakararanas ng malalang pagkatakot sa sexual contact sa kahit na kanino.
Insecurities
Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng genophobia dahil sa imaheng isyu ng katawan. Ang ilang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring maging lubos na mapag-alala sa kanilang katawan. Maaaring ito ay tungkol sa kaanyuan ng kanilang katawan o sa isang partikular na bahagi. Ang mga babae ay maaring maging insecure kapag hindi nila gusto ang hitsura ng kanilang labia majora o labia minora. Ang mga lalaki naman ay maaaring maging genophobic kapag nagkaroon ng eretile dysfunction. Ang ilan na may isyu ng identidad sa kanilang kasarian ay nagkakaroon din ng takot sa seks.
Iba pang mga takot
Ang ilang nakararanas ng genophobia ay dahil sa dala-dalang iba pang takot. Ang ilan ay maaaring may nosophobia: ang takot sa pagkakahawa sa isang sakit o virus. Sila ay maaaring magkaroon din ng gymnophobia: ang takot sa pagiging hubad. Ang iba ay maaaring magkaroon ng matinding takot kapag nahawakan. Ang mga isyung ito kabilang ang stress disorders ay maaring magpakita ng takot sa pkikipagtalik. Sintomas
Ilan sa sintomas ng genophobia ay ang pakiramdam ng sindak, takot, at pangamba. Iba pang mga sintomas ay mabilis na tibok ng puso, kapos sa paghinga, panginginig, pagkabalisa, pagpapawis, at pag-iwas sa iba/ Lunas
Walang unibersal na paggamot sa genophobia. Ang ilang mga paraan ng paggamit dito ay pagkonsulta sa psychiatrist, psychologits o licensed counselor. Ang ilang mga tao nakararamdam ng sakit sa pakikipagtalik ay maaaring bumisita sa kanilang doktor o gynecologist. Ang ilang mga gamot ay maaaring iriseta para sa gamutan ng phobia.
Reference sa kasalukuyang kultura
Ang katagang genophobia minsan impormal na ginagamit upang tukuyin ang mga sexually repressed na lipunan sa kulturang popular. Ang ilang mga mas reserved na lipunan, tulad ng sa Estados Unidos ay tinataguriang genophobic ng mga mas sexually liberated. Ang independent film na Good Dick ay nakasentro sa temang genophobia at paano nito naaapektuhan ang mga batang babae at ang kanilang relasyon sa mga tao. Hindi man tuwiran, ngunit tema rin ng pelikula ang incest. Ang nasabing pelikula ay isinulat at dinirek ni Marianna Palaka at pinalabas noong 2008.
Tingnan din
Erotophobia Asexuality References
[9] Phobias
Non-sexuality [10] [11]
[12] [13]
[1] ^ 1.^ Sexual pagtatalik Britannica entry. [2] ^ 2.^ Offir, Carole Wade. "Sexual Abuse at pagsasamantala." Human PILIPINAS. New York: Harcourt, 1983. 391-416. I-prin [3] ^ 3 ". ^ ab" UCSC Rape Prevention Edukasyon: Rape Statistics. www2.ucsc.edu. http://www2.ucsc.edu/rape-prevention/statistics.html. Ikinuha 2008/01/01. aaral ay isinasagawa sa Detroit, USA. 4'11 ".^ Offir, Carole Wade. "Sexual Abuse at Expoitation." Human PILIPINAS. New York: Harcourt, 1983. 391-416. I-prin [5] ^ 2.^ Offir, Carole Wade. "Sexual Abuse at Expoitation." Human PILIPINAS. New York: Harcourt, 1983. 391-416. I-prin [6] ^ 2.^ Offir, Carole Wade. "Sexual Abuse at Expoitation." Human PILIPINAS. New York: Harcourt, 1983. 391-416. I-prin [7] ^ 4. ^ ab "Child Sexual Abuse". Medline Plus. US National Library of Medicine,. 2008/04/02. http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/childsexualabuse.html. [8] ^ 2.^ Offir, Carole Wade. "Sexual Abuse at Expoitation." Human PILIPINAS. New York: Harcourt, 1983. 391-416. I-prin