Usapan:Bože pravde
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Bože pravde. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Kilalang baybay
baguhinIkinagagalak ko ang pagsuhesta ng mga mas nauunawang alternatibo sa mga salitang ginamit ko sa artikulo. Ngunit 'di ko maunawaan kung bakit nirapat na palitan ang mga baybay ng ilang salita dahil kailangang gamitin ang "kilalang" baybay. Matanong lang,
Ano ba ang kilalang baybay?
Sa buong buhay kong itinira sa Filipinas ay nakakita na ako ng iba't ibang baybay ng iba't ibang mga salita mismo sa mga libro, diksyonaryo, Biblya, atbp. Mismo ang "Diksyonaryo" sa mga takip diksyonaryo ay iba-iba ang baybay—may diksyunaryo, diksiyonariyo, diksiyonaryo, diksyunariyo, at kung ano pang maisipan. Dahil dito, 'di masasabi na may iisang "kilalang" baybay ng mga salita sa Tagalog-Filipino, at ano pa kaya kung standard na ortografiya.
At 'di rin ba patakaran ng maaawtoridad na Komisyon ng Wikang Filipino at UP-SWF na ibalik sa Filipino ang dating binawal na mga tunog at titik, partikular na ang F? ('Di ba Filipino na ang tawag sa pambansang wika ngayong nauunawaan na ang pagkaartifisyal na supresyon ng F noong panahong purista?)
Sana din ay maunawaan ng moderador ang mga bagong katotohanang ito ngayon.
(Lalo't sana maunawaan rin ng mga Amerikanong Pinoy na iba na ang sitwasyong linggwistiko sa Filipinas: Hindi na pumapangatlo sa pambansang alfabeto ang K, ibinalik na ang F, atbp.—'di tulad ng mga sinasabi sa mga libro, atbp. na nilathala sa Hilagang Amerika.)
Shalom.
- Kamusta.
- Alam natin na walang konsistent na spelling sa mga hiram na salita. Lahat ng halimbawa ng pantumbas sa dictionary ay tanggap naman sa kasalukuyan. Maari nating gamitin ang kahit ano dito ngunit dapat may konsistensi naman sa paggamit. Halimbawa, maari nating gamitin ang mga salitang Ingles at Inggles na kapwa kilalang baybay ngunit kapag naumpisahan nang gamitin ang Ingles hindi ba dapat ito na rin gamitin sa buong artikulo?
- Mayroon na ring pantumbas sa mga pangalang pantangi (proper nouns) sa Filipino. Ilang halimbawa ang Estados Unidos (United States), Espanya (Spain), Italya (Italy) atbp. na nahiram na natin sa wikang Kastila. Ngunit marami pa ang hindi naasimila sa Filipino. Hindi ba't nararapat na gamitin nating an kanilang mas kilala (o familiar) na spelling batay sa internasyunal na tawag? Gaya ng Serbia o Afghanistan halimbawa. Hindi ba't ito rin naman ang ginagamit sa mga news broadcasts sa Filipino.
- Filipinas na ba ngayon ang tawag sa Philippines ng mga Pilipino? Hindi ba Pilipinas?
- Bago pa lamang ang Wikipedia sa Tagalog. Maari pa tayong gumawa ng mga tuntunin patungkol dito. Maari nating gamitin ang spelling na kinaugalian o magtalaga ng bagong tuntunin sa spelling.
- Magandang araw. Bluemask 18:13, 7 Sep 2004 (UTC)