Usapan:Diocleciano

Ipinanganak na simpleng mamamayan, siya ay umahon sa pagiging prominente tungo sa isang matagumpay na pandigmang larangan. Bilang emperador, pinarami niya ang bilang ng kanilang hukbo at itinalaga sila sa tabi ng hangganan ng imperyo. Ang pakikidigma sa Persia habang siya ay nanunungkulan ay humantong sa pag-angkin ng hangganan ng kanilang teritoyo. Si Diocletian ang namuno sa paglilitis o pagpaparusa ng mga Manikayano at Kristiyano, bagaman kalaunan ay dumating at namuno si Constantino at naging emperador na sumuporta sa Kristiyanismo.Siya rin ay naging tagagawa ng mga reporma.Tinapos ni Diocletian ang "Krisis ng ikatlong siglo" (235 AD-284 AD) sa pamamagitan ng pagsuko ng nag-iisang kontrol sa imperyo, dahil doon tinapos na niya ang Prinsipadong panunungkulan at sinimulan na ang Dominadong panunungkulan, mula sa salitang dominus na ang ibig sabihin ay panginoon na kalaunan ay ginamit na rin upang ilarawan ang mga emperador ng Roma.Sinimulan ni Diocletian ang pairalin ang patakaran ng apat na kilala na patakaran bilang Tetrariko. Imbes na mamatay ng nanunungkulan,tulad ng mga naunang emperador,Si Diocletian ay nagbitiw sa tungkulin at nagretiro sa palasyo.Kahit hinati-hati niya ang imperyo at isinuko ang kanyang mataas na position, hindi pa rin siya ang pinakamapagkumbabang emperador. Pinagtibay niya ang palatandaan ng kayamanan o karangyaan mula sa Persia.Si Edward Gibbon ang nagpinta ng larawan ng kanyang mga labis-labis na alahas o kayamanan. Si Diocletian ay isa rin sa mga emperador na kabilang sa pagpapahirap sa mga Kristiyano."Ito ay ika-labingsiyam na taon na ng pamumuno ni Diocletian [AD 303] sa buwan ng Dystrus,na tinawag na Marso ng mga Romano, at ang pagdaraos ng Semana Santa ay nalalapit na, ng ang kautusan ng imperyo ay nalathala at naisakatuparan na kahit saan, hinatulan ang mga simbahan na wasakin at gibain at ang mga banal na kasulatan ay sunugin,at ang pagbibigay ng babala sa mga tao na may sinasambang Diyos, na babagsak sila mula sa kanilang posisyon at mawawalan ng karangalan, at mensahe para kanilang mga manggagawa, kung sila ay sasamba pa at magiging mananampalataya ng Kristiyanismo, ay mawawalan sila ng kalayaan at karapatan. Ang mga kautusan at paniniwalang panrelihiyon ang palaging unang tumututol sa pamamalakad ng pulitika. Kalaunan pagkatapos ang ibang kautusan ay madaling naayos at naisakatuparan, Unang hinatulan ng pagkakakulong at kamatayan ang pinuno ng bawat simbahan."

Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Diocleciano"

Magsimula ng isang usapan
Return to "Diocleciano" page.