Usapan:Diyos
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Diyos. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Hango sa kasalukuyang wiki:
Kapag ginamit ang salitang Diyos na may malaking titik D, tumutukoy ito sa Maylalang. Pinaniniwalaan ng maraming mga tao na ang Maylalang ang lumikha sa buong Sansinukob.
Tala: 1. Ang paggamit ng malaking titik na D sa salitang Diyos ay hindi kahulugan na ang "D"iyos na ito ay ang maylalang. Ang malaking titik ay pahiwatig ng pagkilala bilang "proper noun" at hindi isang "common noun". Sa Hinduism, maaalala na si Vishnu, Brahma at Shiva ay mga "Diyos" ngunit ang Maylalang sa tatlong ito ay si Brahma. (Ang dalawang natitira ay "Tagapanatili" at "Tagapanira")
- paunawa po lamang, hindi po si Bhrama ang lumikha sa dalawng Dyos. Si Bhrama po ang lumikha ng Sanlibutan, ngunit nagmula naman si Bhrama mula sa bulaklak na nagmula sa pusod ni Vishnu. Sa gayon, si Vishnu po ang lumalang kay Bhrama. Cloudhand 14:43, 28 Hulyo 2006 (UTC)
2. Sa mga Kristyano lamang, masasabing ang Diyos ay ang "Maylalang". Maging sa ibang sekta nito, si Kristo ay Diyos ngunit hindi nangangahulugan na sya ay Maylalang, dahil ang Ama ni Hesukristo ang syang tinatawag na "creator" ng Lumang Tipan.
3. Ang sabihin na "pinaniniwalaan ng maraming mga tao..." ay isang pagbibigay ukol, sa mga bagay na walang tiyak na bilang o matibay na ebidensya. Sa Estadistika, ang Hinduismo, Kristiyanismo at Muslim ay nahahati sa ibat ibang paniniwala. Gaya ng nabanggit sa tala #1 at #2, may sanga sangang paniniwala ang mga Hinduismo, atg Kristiyanismo, hinggil sa "Diyos" at "Maylalang". Maliban na lamang kung ang salitang "marami" ay tumutukoy sa mga Muslim, sa pagkakataon lamang na iyon, magiging matatag ang inyong nagamit na pangungusap.
Hango sa kasalukuyang wiki:
Sa ibang mga relihiyon, ang diyos ay ang pinaniniwalaang may makapangyarihang espiritu. Ang babaeng diyos ay maaaring tawaging diyosa.
Tala:
4. Ang paggamit ng salitang "ibang mga relihiyon" ay nagbubukas sa walang kasiguraduhang pag-aalinlangan. Alin sa mga napakaraming relihiyon ay ang tinutukoy ng salitang "iba". Ang malala pang isyu ay ang paggamit ng salitang "espiritu."
5. Sa "ang babaeng diyos" ... dapat ilipat ang salitang "sa ibang relihiyon" at idugtong na may babaeng diyos ... na tinatawag na "diyosa".
- Hi Basilio, binago ko na ang introduksyon. Tignan mo kung ok na siya at kung may Neutral Point of View o NPOV siya. I-discuss na lang natin dito sa Talk page na ito kung may mga objections. Salamat! :) --Jojit fb 03:12, 13 July 2005 (UTC)
- medyo bias po ata ang paraan ng paggamit ng malaking titik "D". Parang para lamang sa mga kristyano ang parang ito ng pagbibigay galang na naayon lamang sa paniwala o pananaw na kristyano, na kung gayon, ang ibang paniniwala po ba na dapat gamit ng malaking "D" ang kanilang Dyos ay mali? paano po kung ang Diyos ko po ay si Baal at mataas ang paggalang ko dito, mali po ba gamitan ko ng malaking titik na "D" kapag tinutukoy ko siya bilang diyos? opinyon ko lang po :)--Cloudhand 10:28, 8 Agosto 2006 (UTC)
pinagmulan ng salita
baguhinnais ko po sanang ipaalam na ang mga naka lista pong kaugnay na salita ay yaong may kaugnayan sa kasalukuyang gamit sa ingles ng salitang "God".
* Anglo-Saxon — Geotan * Gothic — Gudis * Aleman — Gott * Persiyano — khoda * Hindu — khooda o khoda
ang mga ito po ay may kaugnayan sa salitang "God" at hindi sa salitang "Diyos".
hindi po ako eksperto sa ibang wika, pero sa obserbasyon ko po lamang ay nagmula po ito sa wikang kastila na "Dios", mula sa latin na "Deus", at "Zeus" na nagmula nga po ba s gryego? sa akin pong palagay ay dapat po munang burahin ang listahan hanggat wala pang opisyal o ekspertong opinyon ukol ditoCloudhand 14:27, 28 Hulyo 2006 (UTC)
hindi ko rin matiis :D, binago ko pa rin, pero hindi pa rin po ako sigurado Cloudhand 14:38, 28 Hulyo 2006 (UTC)
Bathala
baguhinŽivot, you have redirected the Bathala page here. Sa English Wikipedia, hiwalay na artikulo ito. Tignan mo ito. Bagaman, tinuturing na diyos si Bathala, dapat magkaroon ng hiwalay na artikulo at hindi dapat i-redirect ang pahina na tungkol sa kanya. --Jojit fb 05:43, 26 August 2005 (UTC)
- Thanks for telling me. Nabasa ko na si Bathala ay ang pangunahing dyos ng mga sinaunang Pinoy, na isa lang siya mga mararami pa nilang ibang dyos. Itatanggal ko yung redirect. —Život 05:50, August 26, 2005 (UTC)