Usapan:Historyograpiya

Latest comment: 16 years ago by Matangdilis in topic Mungkahing Unang Talata

Mungkahing huwag isalin ang kaugnay na artikulo sa Wikipediyang Ingles

baguhin

Ang artikulong historiography sa Wikipediyang Ingles ay masyado pang hilaw para isalin. Hindi pa ito nabibigyan ng reyting na mahusay na artikulo. At labis itong mahaba (lampas 80KB). Dahil mahirap magsulat ng napakalawak at masalimuot na paksa tulad nito ay minarapat kong dito na muna ihayag ang aking mungkahing balangkas ng artikulo.--matangdilis 04:09, 23 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Mungkahing redirect

baguhin

Iminumungkahi kong maglagay ng redirect mula "Historyograpiya". Ito ang baybay na matatagpuan sa UP Diksiyonaryong Filipino at maaaring siyang hanapin ng ilang nagsasaliksik.--matangdilis 04:09, 23 Hulyo 2008 (UTC)  Y Tapos na. - AnakngAraw 04:12, 23 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Wow ang bilis. Salamat po.--matangdilis 04:16, 23 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Mungkahing Unang Talata

baguhin

Ang historyograpiya ay karunungan hinggil sa pagsusulat ng kasaysayan. Nangangahulugan ito na maaring pinag-aaralan ang historyograpiya o ito'y karunungan na ginagamit sa pagsusulat ng kasaysayan. Sa mas malawig na pakahulugan ay maaari rin itong tumungkol sa kasaysayan ng pagsusulat ng kasaysayan. Ang kasaysayan mismo ay ang sistematikong pag-aaral ng nakaraan.

Ang diin sa historyograpiya ay ang pagsasaliksik at paraan ng pagsusulat ng kasaysayan. Ang interpretasyon ng nakaraan batay sa isang pananaw ay mas tinatalakay sa pilosopiya ng kasaysayan. Bagama't ang dalawa ay may mahigpit na pagkakaugnay.--matangdilis 04:09, 23 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Siyanga pala kaya karunungan ang ginamit kong salita sa itaas ay dahil masyadong pangkalahatan ang salitang kaalaman. At hindi rin puwede ang agham o sining dahil pinagtatalunan ito ng mga historyador at pilosopo. May nagsasabing sining, may nagsasabing agham, may nagsasabing putok sa buho (sui generis). Sa Ingles ay craft ang ginagamit nila pero lalabas na kahusayan o mas malala pa "katusuhan" sa Filipino kaya parang sablay. Samantalang ang karunungan ayon sa mga diksiyunaryo (UP at iyong sa Linangan ng Wikang Pambansa) ay kalipunan ng mga kaaalama, at o mataas na uri ng kaalaman na natututunan sa paaralan. Kaya baka mas angkop itong tawaging karunungan.--matangdilis 04:25, 23 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Mukahing Sangkap

baguhin

Dahil nga maigsi ang espasyo para sa napakalawak na paksang ito iminumungkahi ko na magpokus na lamang sa dalawang bagay. Una ay ang mga dakilang halimbawang kasaysayan na nagsilbing padron ng mga historyador. Pangalawa ay ang mga maimpluwensiyang sulatin at manwal tulad ng kay Langlois at Seignobos na nagbuod o nagbago ng pamamaraan ng pagsusulat.

Ang mungkahi kong balangkas ay batay sa Unang Kumperensiya sa Historiograpiyang Pilipino na ginawa noong 1989. Maaring hatiin ang historyograpiya sa dalawang malaking kampo, ang tradisyunal (Abrera 1992, p.86) at ang moderno (Gatan 1992, p. 96). Pero mahirap ibuslo dito ang matatandang panulat nina Herodotus at Thucydides. Kaya mungkahi ko ay maglagay ng apat na seksiyon.

  • Sinaunang Kasaysayan - Mga estilo nina Herodotus, Thucydides at marahil ay sina Sima Qian at LIu Zhijimula Tsina.
  • Tradisyunal - rumurok kina Charles Victor Langlois at Charles Seignobos sa kanilang aklat na Introduction to the Study of History(1898).
  • Moderno - nagsimula sa Kilusang Annales na pinamunuan nina Marc Bloch, Lucien Febvre at Fernand Braudel
  • Postmodern - mula sa grupo ng mga post-structuralist na tulad ni Hayden White. Hindi ko lamang alam kung mayroon na silang mga dakilang halimbawa ng kasaysayan.

--matangdilis 04:09, 23 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Mungkahing Gawan ng Hiwalay na Paksa

baguhin

Sa ganang akin ay hindi dapat gayahin ang nasa Ingles na isinanib ang detalyadong kasaysayan ng pagsusulat ng kasaysayan. Sobrang haba nito. Huwag na rin sigurong isama ang mga kuro-kuro ng mga bantog na historyador at pilosopo na hindi naman nagbunga ng dakilang halimbawa ng kasaysayan. Ito at ang problema ng interpretasyon ay puwede nang isama sa pilosopiya ng kasaysayan.--matangdilis 04:09, 23 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Suliranin sa Paglahok ng Halimbawa ng Historyograpiyang Pilipino

baguhin

Napansin ni Ferdinand C. Llanes (Llanes 1992, p. 186) sa 1989 na kumperensiya na wala pang sistematiko at malalim na pag-aaral sa mga ninunong historyador sa Pilipinas, liban sa paglalahad ng kanilang mga talambuhay. Sa madaling salita maaaring magkaproblema sa paghagilap ng mga sekondaryang batis na magsasabi na si Alip ay tradisyunal at si Salazar ay modernista. Harinawa'y matapos ang 19 na taon mula nang unang kumperensiya ay mayroon na. Maaari ring lumikha ng hiwalay na artikulo ng Historyograpiyang Pilipino--matangdilis 04:09, 23 Hulyo 2008 (UTC)Reply

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Abrera, B. (1992). Tradisyunal na kasaysayan. Sa Abrera, M.B.L. & Lapar, D.A. Ulat ng unang pambansang kumperensiya sa historiograpiyang pilipino. Paksa, paraan at pananaw sa kasaysayan. Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas.
  2. Gatan, Y. (1992). Ang Bagong kasaysayan. Sa Abrera, M.B.L. & Lapar, D.A. Ulat ng unang pambansang kumperensiya sa historiograpiyang pilipino. Paksa, paraan at pananaw sa kasaysayan. Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas.
  3. Llanes, F.C. (1992). Reaksiyon sa "ideolohiya at kasaysayan". Sa Abrera, M.B.L. & Lapar, D.A. Ulat ng unang pambansang kumperensiya sa historiograpiyang pilipino. Paksa, paraan at pananaw sa kasaysayan. Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas.
Return to "Historyograpiya" page.