Usapan:Kaamerikahan
Latest comment: 2 year ago by Likhasik in topic Ngalan
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Kaamerikahan. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Americas " ng en.wikipedia. |
Ngalan
baguhinHindi ko alam kung natanggap na ang anyong "Kaamerikahan" para sa pinagsamang Hilaga at Timog Amerika. Bagama't itinuturo sa atin na magkahiwalay ang Hilaga at Timog, sa Diksiyonaryo/UPDF, maaaring ang America ay ang "kontinente sa pagitan ng mga karagatang Pasifico at Atlantico"[1] at ibinabaybay sa Tagalog bilang Amerika. Caehlla2357 (kausapin) 06:06, 4 Pebrero 2022 (UTC)
- @Caehlla2357 Mukhang malabo nga ang salita pero nagamit na ito noon pa sa konteksto ng mga Amerika. Tingnan mo ito. Maaaring nagamit pa noong mga 1920. (Alalahanin na ito lamang ang batayan sa Internet na nakita kong gumagamit na ng salitang ito na hindi pangkasalukuyan. Ang iba ay mga blogspot at mismong Wikipedia article na ito.) Isa pa, tingnan ang isa sa mga sanggunian sa wiktionary na nagsasabi na "Used to form nouns indicating a larger location." at "Used to form proper nouns indicating a domain of a people or place". Para sa akin, wasto ang salitang 'Kaamerikahan' para sa pagtukoy sa iisang superkontinente(?) ng mga Amerika/Americas. Mula sa Amerika na simple at maituturing na maliit, ang Kaamerikahan ay tumutukoy sa mas malawak na kalugaran. Gayunpaman, kung may nakita kang mas maganda at mas mainam na salin, pakisulong ito sa Kapihan at dito na rin sa Usapan. Malaki ang tyansa na "coined term" lamang ito at hindi masyadong laganap ang gamit. --Likhasik (kausapin) 14:35, 4 Pebrero 2022 (UTC)
- ↑ Almario, Virgilio, pat. (2010). "America". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)