Usapan:Nitrohino
Latest comment: 17 year ago by Sky Harbor
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Nitrohino. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Kailangan ng katunayan na ginagamit ang salitang "Nitroheno" para sa "Nitrogen". --bluemask 04:28, 23 Hunyo 2007 (UTC)
- Nakalagay sa Pluma, ang aming textbook sa paaralan na ang mga salitang teknikal tulad ng nitrogen at oxygen ay hindi dapat isalin sa Tagalog at panatilihin ang orihinal na baybay nito. - Emir214 11:06, 23 Hunyo 2007 (UTC)
- Maaaring humiram naman rin sa ibang wika. Ayon sa ikatlong tuntunin ng Ortograpiyang Filipino, kapag walang katumbas na katutubong salita ang isang salita pero may kaparehas ito sa Ingles at Espanyol, dapat unang humiram sa Espanyol bago sa Ingles. Boluntaryo rin lamang ang 'di-pagsalin sa mga salitang teknikal. --Sky Harbor 12:23, 24 Hunyo 2007 (UTC)
- Naitanong ko ito dahil sa ang tl.wp ay sumusunod sa mga policy ng en.wp. Isa na rito ang No original research. Isaalang-alang din natin ang pagkakaiba ng Wikang Tagalog at Wikang Filipino. Ang paggamit ba ng "Nitroheno" ay isang "original reseach" o kaya ay isang neologism? Kung hindi, kailangan natin ng patunay. --bluemask 05:59, 25 Hunyo 2007 (UTC)
- Pagkatapos ng isang matagal na pagsasaliksik, nahanap ko na ang ilang mga salitang pang-elemento mula sa Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles ni Felicidad T.E. Sagalongos. Kasama dito ang salitang nitroheno para sa nitrogen. --Sky Harbor 10:54, 20 Agosto 2007 (UTC)