Usapan:Ordovician
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Ordovician. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Ordovician
baguhinkung titignan ang interwiki, ito ay isinalin mula sa ingles
— User:Aghamsatagalog2011 20:30, 6 Setyembre 2012
Walang tuwirang salin ang "Ordovician" sa Tagalog. Kung kailangan humiram, gamitin ang orihinal na Ingles o ang tumpak na Espanyol "Ordovicico" (nasa interwiki ang mga iyan). Hindi lahat ng "-ian" sa Ingles ay maaring tapatan ng "-iyano" sa Tagalog dahil imbento na kung gagawin iyan. --bluemask (makipag-usap) 06:22, 7 Setyembre 2012 (UTC)
- Ang sinasabi ko rito, kung titignan mo ang interwiki, ang makikita mo ay mga pamagat na isinalin mula sa ingles sa sariling wika nito. Hal:
http://zh.wikipedia.org/wiki/奥陶纪
http://ta.wikipedia.org/wiki/ஓர்டோவிசியக்_காலம்
at iba pa
Ang alam kong bawal na NOR yung mga ideya o pahayag at hindi pag-aangkop sa wika(pagsasalin). http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:No_original_research#Translations_and_transcriptions; kung bawal nga ang pag-aangkop o paggamit ng karakter sa sariling wika, sana lahat ng interwiki ay gumagamit ng ordovician.—Ang komentong ito ay idinagdag ni Aghamsatagalog2011 (usapan • kontribusyon) noong 19:19, 7 Setyembre 2012.
- Hindi kailangan ang transkripsiyon sa pagitan ng Ingles/Espanyol at Tagalog (Filipino) dahil parehong titik Latin ang gamit ng mga wika, hindi kagaya ng mga wikang Tamil o Mandarin.
- Sinusundan ng WP:SALIN (na may kaunting rebisyon) ang panghihiram na nakasulat sa 2008 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng KWF. (Nasa pahina 8-10 ng PDF ang bahagi ng panghihiram.) Hindi nakasaad doon ang bara-barang pagtutumbas ng mga salita. --bluemask (makipag-usap) 03:00, 9 Setyembre 2012 (UTC)
- Kasama sa walang orihinal na pananaliksik, mas mahalaga rito ang hindi naaayong manlikha, o kaya'y gumawa ng mga neolohismo. Kung tutuusin, kung nais manghiram sa Espanyol, dapat hindi ito binabago maliban na kung may tanging tanggap na anyo na iyo sa Tagalog (halimbawa, "boses" mula sa voz, hindi "bos"). Hindi maaaring tanggapin ang mga "de-Kastilang paghihiram mula sa Ingles", kung saan isinasa-Kastila natin ang mga salitang Ingles, sa ilalim ng paniniwalang ito pala ang tanging salita sa Espanyol, maliban kung ito ay tanggap mismo (halimbawa, "Biyetnames" mula sa Vietnamese, sa halip na "Biyetnamita" mula sa Vietnamita, pero hindi ibig sabihin nito na ang "Biyetnames" ay galing sa Espanyol; sa halip, galing ito sa Ingles).
- Naniniwala ako na kapag isinasalin ang isang bagay sa ibang mga Wikipedia, maaari rin itong gawin ng Tagalog. Gayunpaman, dapat tumutugon ito hindi lamang sa mga tamang anyong nakatala sa diksiyonaryo (kung mayroon), kundi rin sa tanging mga tuntunin ng paghihiram na itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino. --Sky Harbor (usapan) 09:01, 9 Setyembre 2012 (UTC)
- Hindi lang tagalog ang humiram at nag-angkop ng mga dayuhang salita sa sarili nitong wika kundi pati karamihan ng mga wika http://en.wikipedia.org/wiki/Loanword#Linguistic_classification. Ito ay ebidente sa interwiki ng ordovician na inangkop sa mga wika ng humiram nito hal. italyano at bahasa. Kung titignan rin ang http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Article_titles#Foreign_names_and_anglicization, ang pag-iingles ng dayuhang salita ay pinapayagan kung ito ay magagawa at may mas malaking pagkaunawa sa mga tagapagsalita ng ingles. Mas mabuting sabihing ang pag-aangkop sa tagalog ay pagtataglog kesa pagkakastila dahil ito ang paraan ng pag-aangkop sa tagalog ng mga hiram na salita. Nagkataon lang na malaki ang impluwensiya ng kastila kaya lumalabas na pagkakastila ang ginagawang pag-aangkop dito. Ito ay makikita sa ibang baybay ng tagalog sa kastila(demokrasya vs democracia, cigarillo vs sigarilyo) at maraming mga salita na tagalog na tunog kastila na hindi umiiral sa kastila: http://en.wikipedia.org/wiki/Tagalog_loanwords. hal: bintangero, sumbungero, majongero/majongera(mula sa tsino), basketbolista(mula sa ingles na basketball dahil ang kastila nito ay http://es.wikipedia.org/wiki/Baloncesto) etc. Naipakita rin sa pagsasaliksik ng mga linguista na mas pinapaboran ang mga salitang teknikal na may anyo o tunog kastila kesa sa ingles o katutubong tagalog. Kaya sa opinyon ko, kung nasubok na ng panahon ang pagpapabor sa tagalog na tunog kastila, walang saysay na ipagpilitan ang ibang anyo na hindi natanggap sa tagalog. Tinignan ko ang patakaran ng KWF pero may nakita akong inkonsistensiya dahil ayon sa pahina 9: Kung wikang ingles o iba pang wikang dayuhan ang pinaghiraman, panatilin ang orihinal na anyo nito, pero pagkatapos ng ilang mga pangungunsap ang sinasabi naman ay iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa abakada sa pagbabaybay ng mga hiram na salita, Maaari itong pagkamalang maling ispelling at ang ibinigay na halimbawa ay uri ng wika o barayti ng wika at hindi varayti ng wika. Hindi ko malaman kung bawal ba talaga ang pagsasalin sa abakada ng hiram na salita dahil ang spelling ay pwedeng isaling ispelling(kahit ang katutubo ng spelling ay pagbabaybay) at ang variety ay pwedeng isaling barayti. —Ang komentong ito ay idinagdag ni Aghamsatagalog2011 (usapan • kontribusyon) noong 21:00, 9 Setyembre 2012.
- Naniniwala ako na kapag isinasalin ang isang bagay sa ibang mga Wikipedia, maaari rin itong gawin ng Tagalog. Gayunpaman, dapat tumutugon ito hindi lamang sa mga tamang anyong nakatala sa diksiyonaryo (kung mayroon), kundi rin sa tanging mga tuntunin ng paghihiram na itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino. --Sky Harbor (usapan) 09:01, 9 Setyembre 2012 (UTC)
┌─────────┘
Gamitin ko ang halimbawa mo: basketbolista para sa basketball player. Hiniram ng Tagalog ang Ingles na basketball (sinusulat sa Tagalog na basketbol; hind hiniram ang Espanyol na baloncesto) at ang hulaping Espanyol na -ista (halimbawa Tagalista). Walang problema doon dahil hiram na pareho. Nakikita nga natin ang hulaping -iyano gaya ng probinsiyano na mula sa Espanyol na provincia na hiniram din ng Tagalog (bilang probinsiya). Pero bara-bara na kung ang lahat ng -ian ng Ingles ay tatapatan ng -iyano. Halimbawa: politician sa Ingles na humiran na lang ang Tagalog sa Espanyol na politico na sinusulat na politiko; comedian na nagiging komedyante (mula sa Espanyol na comedia at comediante).
Sa kaso ng artikulong ito, dalawa lang ang gagawin: hiramin ang Ingles na walang pagbabago (Ordovician) o hiramin sa Espanyol at baguhin ang baybay (Ordovocico at isusulat na Ordobosiko).
Pag-isipan din ito: ang salitang ugat ay Ordovice. Ano ang maaring gamiting panlapi/hulapi na maaring ikabit sa salitang ugat upang ang kahulugan ay magiging "ano mang bagay o pangyayari na may kinalaman sa tribong Ordovice (Ordovico sa Espanyol)."--bluemask (makipag-usap) 03:06, 11 Setyembre 2012 (UTC)
- Hindi na tayo nakasalalay sa kastila at maraming mga salitang kastila ang hindi pamilyar sa mga nagtatagalog kaya walang saysay na humiram sa kastila. Kung papapalitan ngayon ang aso ng kastilang perro, hindi ito papasok sa mga usapang tagalog dahil hindi ito ang nakasanayan ng mga nagtatagalog. Ang nakasanayan natin ay mga tagalog na nagkatoong ang karamihan ay nagmula sa kastila at may tunog kastila, kaya ang iyano o ista ay tagalog na at hindi kastila(ito ay makikita sa ibang baybay sa kastila at minsan ay ibang kahulugan sa orihinal na kastila). Kaya ako pabor sa pag-aangkop sa tagalog gaya ng ian sa iyano o tion sa +siyon(upang maging tunog tagalog) ay dahil mas madaling maunawaan at malalaman kung anong uri ng salita ito kesa sa pagpapanatili ng orihinal na ingles. Hindi magiging bara bara kung gagamitin ang sentido komon sa pagtatagalog ng hiram. Bakit gagamit ng kambriko o kambrista o kambriyante etc gaya hal. ng politiko kung ang _+ko, +ista o +ante o +ero/era ay karaniwan sa tagalog para sa mga tao gaya ng pisiko, kemiko at iba pa. Hindi mo pwedeng ipagpalagay na kung nauunawaan ng mga nagkakastila ang ordovico o anumang may +ico bilang pangngalan ay mauunawaan rin ng mga nagtatagalog na ang may +ico ay pangngalan. Ang pagpapanatili rin ingles ay hindi makakasigurong matatanggap na ito. Ayon sa http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Tagalog_loanwords, ang ingles ay mas kaunti sa kastila o malay at karamihan sa mga hiniram ay tinagalog rin gaya ng kompyuter, nars, adik, akawnting,etc.—Ang komentong ito ay idinagdag ni Aghamsatagalog2011 (usapan • kontribusyon) noong 04:59, 11 Setyembre 2012.
┌───┘
Sa katunayan, sumasang-ayon ako sa ibang halimbawa mo dahil nakikita ko naman ang mga iyan na ginagamit sa telebisyon, radyo, internet, at diksyunaryo. Pero balikan natin kung ano nga ba ang Wikipedia:
“ | Wikipedia is not a place to publish your own thoughts and analyses or to publish new information. Per our policy on original research, please do not use Wikipedia for any of the following:
[1] Primary (original) research, such as proposing theories and solutions, original ideas, defining terms, coining new words, etc. If you have completed primary research on a topic, your results should be published in other venues, such as peer-reviewed journals, other printed forms, open research, or respected online publications. Wikipedia can report about your work after it is published and becomes part of accepted knowledge; however, citations of such reliable sources are needed to demonstrate that material is verifiable, and not merely the editor's opinion. |
” |
— Wikipedia is not a publisher of original thought |
Hangga't magkaroon ng isang babasahing Tagalog (o Filipino) na isinulat ng isang paleontologo na nagsasaad ng tumabasan ng mga katawagang Ingles (gaya ng "Ordovician" at iba pa), hindi magagamit nang basta-basta ang mga bagong likhang salita na "Ordobisiyano" sa Wikipedia. (WP:SALIN punto 6)--bluemask) (makipag-usap) 05:20, 11 Setyembre 2012 (UTC)
- wala akong nakikita diyang bawal ang magsalin ng dayuhang salita kundi pag-iimbento ng mga bagong salita sa ingles. ang patakaran sa ingles wp ay maaari o hindi maaaring ilapat sa interwiki depende kung ito ay mailalapat sa isang wika gaya ng tsino o tagalog wp. kung ang pag-iimbento ng salita ay katumbas ng pag-aangkop sa sariling wika(samakatuwid ang pag-aangkop sa sariling wika ay bawal rin dahil magkatumbas pala ito), sana lahat ng pamagat na nasa interwiki ay nasa ingles pero hindi ito ang makikita natin. karamihan ng mga interwiki sa artikulong ordovician ay hindi gumagamit ng ordovician. bakit ang bahasa wp ay pwedeng gumamit ng ordovisium etc pero ang tagalog ay dapat ordovician lang. kahit sa ingles wp, kung ang pag-iimbento ng bagong salita ay katumbas ng pagsasalin ng dayuhang wika hindi papayagan ang en:anglicization o pagsasalin sa ingles wp ng mga dayuhang salita pero hindi ito ang kaso: en:Wikipedia:Article_titles#Foreign_names_and_anglicization—Ang komentong ito ay idinagdag ni Aghamsatagalog2011 (usapan • kontribusyon) noong 06:16, 11 Setyembre 2012.
Ayon sa Tuntunin sa Pamagat ng English Wikipedia:
“ | The choice between anglicized and local spellings should follow English-language usage, e.g., Besançon, Søren Kierkegaard and Göttingen, but Nuremberg, delicatessen, and Florence.
If there are too few reliable English-language sources to constitute an established usage, follow the conventions of the language appropriate to the subject (German for German politicians, Portuguese for Brazilian towns, and so on). |
” |
— English Wikipedia, Article_titles: Foreign names and anglicization |
Sinusundan lamang kung ano na ang ginagamit sa mga babasahing Ingles. Kung wala silang makita, gagamitin nila ang orihinal na anyo. Ganyan din naman dito sa Tagalog Wikipedia, kailangan ginagamit na ang katawagan sa mga babasahing Tagalog (o Filipino) (WP:SALIN punto 3 at 6), kung wala, sundin ang payo ng KWF (WP:SALIN punto 4 at 5). Isa pa, maaring iba patakaran sa panghihiram sa ibang Wikipedia (gaya nga ng Tsino, Hapon o Bahasa Indonesia) dahil na rin sa estilo ng panghihiram sa mga wikang nabanggit o payo ng kanilang language regulator. --bluemask (makipag-usap) 09:27, 11 Setyembre 2012 (UTC)
- Pero sinsabi rin sa patakarang iyan: "If there is no established English-language treatment for a name, translate it if this can be done without loss of accuracy and with greater understanding for the English-speaking reader." Pinapayagang magsalin kung magagawang mai-salin sa ingles. siympre kung hindi mai-sasalin sa ingles(dahil hindi lahat ng dayuhan ay mai-sasalin sa anyong ingles) ay mas mabuti na lang panatilihin ang orihinal. halimbawa sa tingin ko ang ingles na field o bipolar(bukod sa pagiging karaniwan nito sa ingles) ay hindi maisasalin sa anyong tagalog na mas mauunawaan ng nagtatagalog kaya pinanatili ko na lang ang salitang ito. wala ring patakaran ang kwf na pag walang rs ay hindi dapat magsalin. ang katunayan pumapayag nga ang kwf na manghiram ng dayuhan sa pahina 9 at mag-salin sa tagalog gaya ng halimbawang ibinigay na barayti mula variety(ingles) at ispelling mula spelling(ingles). samakatuwid ang rs ay mahalaga pero hindi kailangan dahil kung magagawang mai-salin ang dayuhan ay pwedeng i-salin sa ingles wp. wala ring patakaran ang kwf na kailangan ng rs kaya opiniyon na lang kung ipagpipilitan ang patakrang dapat ay may rs(sa pag-sasalin) dito sa tagalog wp.
- Sandali lang. Kailan bang naging "opinyon" ang pagpipilit ng mapagkakatiwalaang sanggunian bilang gabay sa pagsasalin dito sa Wikipedia? Hindi iyan opinyon: isa itong patakaran ng Wikipedia na kailangang sundin. Tandaan na hindi pumupunta sa atin ang pagpapayaman at basta-bastang paghihiram sa wika: ito pa rin ang tungkulin ng KWF. Sa kawalan ng gabay o direktiba mula sa kanila, kailangang bumalik sa sanggunian: ito mismo ang mga diksiyonaryo. Maaaring manghiram rin, ngunit dapat sang-ayon ito sa tuntunin na itinakda ng KWF: kung hihiram, dapat buong hinihiram ito nang walang pagbabago, maliban na kung nagmula ito sa Espanyol kung saan dapat itong ibaybay gamit ang Abakada (sa implementasyon ng patakarang ito sa Wikipediang Tagalog, may ilang pagpapaliban dito para sa paghihiram mula sa Portuges). Gayunpaman, hindi ibig sabihin iyon na dapat gawing "opiniyon na lang kung ipagpipilitan ang patakrang dapat ay may rs(sa pag-sasalin) dito sa tagalog wp": hindi maaaring pabayaan ang patakarang kailangan ng mapagkakatiwalaang sanggunian. --Sky Harbor (usapan) 07:02, 12 Setyembre 2012 (UTC)
- Opinyon kung ipagpipilitang ang lahat ng kaso ay dapat may rs gayong ang patakaran ng ingles wp ay pumapayag na hindi kailangan ng rs sa pagsa-salin kung ito ay magagawang mai-salin sa ingles. (If there is no established English-language treatment for a name, translate it if this can be done without loss of accuracy and with greater understanding for the English-speaking reader., samaktwid ay kung walng rs dahil ayon dito If there are too few reliable English-language sources to constitute an established usage). opinyon rin ito: kung hihiram, dapat buong hinihiram ito nang walang pagbabago, maliban na kung nagmula ito sa Espanyol kung saan dapat itong ibaybay gamit ang Abakada. hindi sinasabi sa pahina 9 bilang 6 na kastila lang kundi anumang hiniram na wika. gaya ng puna ko sa itaas na: Tinignan ko ang patakaran ng KWF pero may nakita akong inkonsistensiya dahil ayon sa pahina 9: Kung wikang ingles o iba pang wikang dayuhan ang pinaghiraman, panatilin ang orihinal na anyo nito, pero pagkatapos ng ilang mga pangungunsap ang sinasabi naman ay iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa abakada sa pagbabaybay ng mga hiram na salita, Maaari itong pagkamalang maling ispelling at ang ibinigay na halimbawa ay uri ng wika o barayti ng wika at hindi varayti ng wika. Hindi ko malaman kung bawal ba talaga ang pagsasalin sa abakada ng hiram na salita dahil ang spelling ay pwedeng isaling ispelling(kahit ang katutubo ng spelling ay pagbabaybay) at ang variety ay pwedeng isaling barayti. maraming ring mga diksiyonaryo na may mga magkakatunggaling salin(inimbento ng mga may akda nito) kaya sino ang magpapasya kung alin sa mga magkakatunggaling ito ang dapat gamitin rito.—Ang komentong ito ay idinagdag ni Aghamsatagalog2011 (usapan • kontribusyon) noong 07:58, 12 Setyembre 2012.
- Sandali lang. Kailan bang naging "opinyon" ang pagpipilit ng mapagkakatiwalaang sanggunian bilang gabay sa pagsasalin dito sa Wikipedia? Hindi iyan opinyon: isa itong patakaran ng Wikipedia na kailangang sundin. Tandaan na hindi pumupunta sa atin ang pagpapayaman at basta-bastang paghihiram sa wika: ito pa rin ang tungkulin ng KWF. Sa kawalan ng gabay o direktiba mula sa kanila, kailangang bumalik sa sanggunian: ito mismo ang mga diksiyonaryo. Maaaring manghiram rin, ngunit dapat sang-ayon ito sa tuntunin na itinakda ng KWF: kung hihiram, dapat buong hinihiram ito nang walang pagbabago, maliban na kung nagmula ito sa Espanyol kung saan dapat itong ibaybay gamit ang Abakada (sa implementasyon ng patakarang ito sa Wikipediang Tagalog, may ilang pagpapaliban dito para sa paghihiram mula sa Portuges). Gayunpaman, hindi ibig sabihin iyon na dapat gawing "opiniyon na lang kung ipagpipilitan ang patakrang dapat ay may rs(sa pag-sasalin) dito sa tagalog wp": hindi maaaring pabayaan ang patakarang kailangan ng mapagkakatiwalaang sanggunian. --Sky Harbor (usapan) 07:02, 12 Setyembre 2012 (UTC)
iba pang katawagan
baguhinParehong "opinyon" din ba ang ginamit mo, Aghamsatagalog2011, para sa mga artikulong Cretaceous [1] at Paleogene [2]? Gumamit ang ibang wika ng kanilang bersyon pero bakit pinanatili mo ang orihinal na anyong Ingles? --bluemask (makipag-usap) 02:18, 13 Setyembre 2012 (UTC)
- Hindi lahat ng dayuhan ay maitatagalog. maraming mga salitang ingles/kastila ang pwedeng itagalog pero ang hapones gaya nito etc ay hindi .
Hindi ata mula sa Espanyol
baguhinBatay sa aking pagsuri ng mga kawing interwiki, mas umaayon ang pahinang ito sa katawagan nito sa Portuges (Ordoviciano) kaysa sa Espanyol (Ordovocico). --Sky Harbor (usapan) 04:08, 23 Setyembre 2012 (UTC)
Akala ko ba wala itong Tagalog? (diff) Saan naman ito galing? (diff) --bluemask (makipag-usap) 05:20, 21 Setyembre 2012 (UTC)
Hindi ibig sabihin na kung wala kang naisip sa nakaraan ay wala ka ng maiisp sa hinaharap. Kung sa simula ay hindi ko naisiip ang tinagalog ng variable ay hindi ibig sabihng hindi na makakaisip ang ibang editor dito ng tinagalog na anyo nito(http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Bariabulo&diff=913401&oldid=913228)