Usapan:Transportasyon sa Pilipinas
Latest comment: 7 year ago by Jojit fb in topic Mga pagsasalin
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Transportasyon sa Pilipinas. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Transportation in the Philippines " ng en.wikipedia. |
Mga pagsasalin
baguhinMeron po bang nakakaalam kung ano po ang salin ng mga sumusunod na salita sa Tagalog/Fil?:
- farm to market road/s
- Panay Railways Inc.
- Pasig River Ferry Service
- pump boat
- ro-ro (o roll on/roll off)
- Strong Republic Nautical Highway
- at tama po ba ang aking ginamit na mga salin?:
- airline - kompanyang panghimpapawid
- international/domestic flights - mga pandaigdigang lipad / mga panloob na lipad
Salamat po! JWilz12345 (makipag-usap) 08:55, 21 Disyembre 2016 (UTC)
- Tinatawag ko po sina Sky Harbor at Jojit fb sa matagal nang hindi napapansing usapang ito. Salamat po.JWilz12345 (makipag-usap) 08:58, 3 Hunyo 2017 (UTC)
- Ito ang aking mga mungkahi:
- farm to market road/s - sakahan at taniman patungo sa pamilihan
- Panay Railways Inc. - (panatilihin ang pagkabaybay dahil walang opisyal na salin sa Tagalog/Filipino - literal sa Tagalog bilang Inkorporadang Daangbakal ng Panay")
- Pasig River Ferry Service (panatilihin ang pagkabaybay dahil walang opisyal na salin sa Tagalog/Filipino - literal sa Tagalog bilang "Serbisyong Lantsang Pantawid sa Ilog Pasig")
- pump boat - bangka (tinatawag natin sa pangkalahatan ang mga sasakyang pantubig na maliliit bilang bangka. Ang pump boat ay tinatawag na bangka o banka. Maari din tawagin ito bilang "bangkang de motor" ngunit maari din na tumukoy iyan sa motorboat. Kung gagawa tayo ng artikulo tungkol sa pump boat sa Wikipediang Tagalog, maaring ipamagat ito bilang bangkang de motor (Pilipinas) at ang artikulo tungkol sa motorboat gawing bangkang de motor.)
- ro-ro (o roll on/roll off) - (panatilihin ang pagkabaybay dahil walang opisyal na salin sa Tagalog/Filipino - literal sa Tagalog bilang irolyo papasok/irolyo palabas)
- Strong Republic Nautical Highway (panatilihin ang pagkabaybay dahil walang opisyal na salin sa Tagalog/Filipino - literal sa Tagalog bilang Nautikong Lansangang Bayan ng Matatag na Republika)
- airline - kompanyang panghimpapawid (tama ito)
- international/domestic flights - mga pandaigdigang lipad / mga panloob na lipad (tama ang mga ito ngunit mas mainam at madaling intindihin ang "mga lipad na internasyunal / domestiko")
- Nawa'y nakatulong ako. --Jojit (usapan) 10:00, 6 Hunyo 2017 (UTC)
- Pagtatama
- farm to market road/s - mga daan mula sa sakahan at taniman patungo sa pamilihan
- --Jojit (usapan) 05:20, 7 Hunyo 2017 (UTC)
- Pagtatama