Usapan:Tsina

Latest comment: 9 years ago by Namayan in topic Wastong Pangalan

Geoffbits (makipag-usap) 08:16, 7 Setyembre 2014 (UTC) Magandang araw! Mangyari ay baguhin ang kawing na nakaugnay sa artikulong ito sapagkat kung pipiliin ang ibang wikang nakaugnay rito ay pumupunta ito sa artikulo tungkol sa rehiyon at hindi tungkol sa bansa. Maraming salamat.Reply

Wastong Pangalan

baguhin

Iminumungkahi ko na Pangmadlang Republika ng Tsina ang nararapat na Tagalog ng People's Republic of China. Nawa'y bigyan ako ng pahintulot na baguhin ito. - Leeheonjin (makipag-usap) 18:06, 22 Mayo 2015 (UTC)Reply

May sapat na sanggunian ang Republikang Bayan ng Tsina. Mangyaring tingnan ang mga sangguniang ginamit. Sa wikang Tagalog, ang 'bayan' ay 'people'. Ang kalapit na salin ng 'madla' sa Ingles ay 'public'. -- Namayan 12:41, 24 Mayo 2015 (UTC)Reply
Sinabi niyo po na "Ang kalapit na salin ng 'madla' sa Ingles ay 'public'." Kaya naman ang salinwika po ng 'public' ay 'pang-tao', pang-masa' at 'pang-madla'. Isinangguni ko na rin po ito sa website upang palitan ng nararapat ng salinwika ng People's Republic of China. Salamat po. -- Leeheonjin (makipag-usap) 18:51, 19 Hunyo 2015 (UTC)Reply
Ngunit hindi 'deduction' ang ginagawa mo, tumatalon at lihis na kapag ganyan ang pagsalin, bakit hindi marapatin ang likas na konseptong Tagalog para sa 'people'? -- Namayan 15:34, 20 Hunyo 2015 (UTC)Reply
Deduction? Ano po ang kinalaman ng deduction? At saka hindi pa rin nalilihis ang mismong salinwika, sapagakat ang mas malapit na salinwika ng "bayan" sa Ingles ay town, city o country at iyon ay likas mismo sa salinwika ng "bayan". Samantala ang "madla" ay mas angkop ng salinwika ng "people" at mas tunog-pampolitikal ang katagang ito. Ngayon, kung nais mo pa rin iparating na mainam na batayan ang "link" na naka-suglong sa pangalan ng "Republikang Bayan ng Tsina, ay hindi pa rin ito sapat. Datapwa't kung magkakaroon na rin ako ng sapat na panahon ay isasangguni ko na rin ito mismo sa Komisyon ng Wikang Filipino. Salamat. - Leeheonjin (makipag-usap) 16:26, 26 Hunyo 2015 (UTC)Reply
Ayon sa UPDF, ang báyan, ay 1: Pol bansâ 2: Pol mamamayan 3: pook na sinilangan at tinatahanan; lupang tinubuan 4: Pol yunit ng pangangasiwa sa gawaing pampolitika ng pamahalaan na binubuo ng mga baranggay 5: Bot palumpong na habilog ang dahon, matingkad na asul ang bulaklak, at kulay lila ang bunga. 6: [Iba] lantad na pook 7: [Mrw] pahayag 8: [ST] espasyo mula rito hanggang sa langit 9: [ST] panahon, gaya sa "masamang bayan" masamang panahon. -- Namayan 12:23, 27 Hunyo 2015 (UTC)Reply
Return to "Tsina" page.