Usapan:Wikang Indones

Latest comment: 17 year ago by Život in topic Hulapi

Hulapi

baguhin

Citation para sa en:Indonesian = tl:Indones? Wala kasi ito sa UPDF at ang es naman ay indonesio. --bluemask 17:35, 12 Pebrero 2007 (UTC)Reply

Ginagamit din ang ‘indonés’ sa Kastila, pero mukhang ’di gaano, o ’di na gaano. Pagdating sa Tagalog, kung ako lang talaga, ‘Indonesyo’ ang gagamitin ko, pero ‘Indones’ ’yung turo dati sa elementary (at least noong panahon ko), kahit sa mga textbook. ’Di ko maalala kung anong aklat ’yon exactly, pero nandoon siya sa bahagi kung saan pinapaliwanag ’yung makalumang theory ni Beyer na nanggaling daw ang mga Pinoy, una, sa mga “Indones”, tapos, pangalawa, sa mga Malay. Napansin ko rin kasi na ginagamit ng ilang mga editor dito ang ‘-es’ na suffix para sa mga Tagalog ng ‘Micronesian’, ‘Polynesian’, etc.
Given na walang malinaw na accord sa ngayong panahon, mag-default na lang muna tayo siguro sa Wikang Indonesian, ano kaya? —Život 04:45, 13 Pebrero 2007 (UTC)Reply
Naalala ko rin ang Indones na itinuro noon pero para iyon sa sinaunang pangkat etniko na dumating umano sa Pilipinas. Hindi ba't bagong wika lamang ang Bahasa Indonesia? Default muna natin siguro sa Wikang Indonesian. --bluemask 23:59, 13 Pebrero 2007 (UTC)Reply
Winikang Indonesian ko na siya ulit. On a related note, tungkol sa mga Indones, na-realize ko rin na ’yung Indonesian intended siya bilang wika ng buong Indonesia (Bahasa Indonesia) mapaano man ang ethnicity, ’di tulad ng Malay na first and foremost isang ethnic language ng mga Malay (Bahasa Melayu at hindi Bahasa Malaysia). —Život 00:22, 14 Pebrero 2007 (UTC)Reply
Return to "Wikang Indones" page.