Usapang padron:Taxobox/core
Latest comment: 11 year ago by Atn20112222
Kung ang mga salitang iminungkahi ng ilan dito ay matatagpuan sa mga aklat ng biyolohiya sa tagalog, papayag ako ngunit kung hindi ay tutol ako at dapat na lang panatilihin sa orihinal. Atn20112222 (makipag-usap) 02:36, 29 Hulyo 2013 (UTC)
- Ang tanong dito ay kung mayroon nga bang aklat ng biyolohiya sa Tagalog/Filipino? Maaari sa elementarya at/o sa sekundarya, ngunit sa pagkakaalam ko, wala sa ibang antas. Hindi ito mungkahi: sinang-ayunan ito ng pamayanan makatapos sinuri nang maigi ang mga diksiyonaryo at ibang mga sanggunian sa panahong iyon upang maabutan ang kasalukuyang tala ng mga salita. --Sky Harbor (usapan) 02:50, 29 Hulyo 2013 (UTC)
- Sky Harbor: Ilang taon na rin iyon. Kailangan na ring repasuhin. May nga bagong diksyonaryo at babasahing nailathala mula noon gaya ng ikalawang edisyon ng UPDF at unang edisyon ng diksyonaryo ng KWF (nakita ko na iyon sa Pambasansang Aklatan).
- Atn20112222: Maari kang magsimula ng burador ng narepasong Wikipedia:Gabay sa Istilo (Taksonomiya). Doon na lang natin pag-usapan. --bluemask (makipag-usap) 06:07, 29 Hulyo 2013 (UTC)
- Naniniwala ako na palawak, at hindi pabawas, ang pag-unlad ng wika, lalo na kung nirerepaso natin ang mga batayang sanggunian nito. Hindi ibig sabihin na walang saysay ang isang salita dahil hindi ito nailathala sa UPDF: kaya nga may saysay ang lahat ng diksiyonaryo, at dapat pag-usapan natin kung ano ang nararapat, 'di ba? --Sky Harbor (usapan) 00:48, 30 Hulyo 2013 (UTC)