Ang uson[1][2] (na kilala rin bilang pyroclastic density current o pyroclastic cloud sa wikang Ingles[3] at pangiri-kiti sa dayalekto ng wikang Bicolano sa Albay[4]) ay isang napakainit na ulap ng gaas, abo, at tepra na napakabilis na umaagos pababa ng dalisdis ng isang bulkan at kayang lampasan ang anumang mga harang.[5] May bilis itong karaniwang umaabot sa 100 kilometro kada oras (30 m/s) ngunit kaya rin nitong umabot sa hanggang 700 kilometro kada oras (190 m/s).[6][7] Kayang wasakin ng uson ang anumang bagay sa daanan nito bunga ng bigat at bilis (at kung kaya, mataas na momentum) nito.[8][9] Ang temperatura naman nito ay kayang umabot ng 1,000 °C (1,830 °F), sapat upang tumunaw ng bakal at semento.[7][10]

Mga uson na umaagos paibaba ng dalisdis ng bulkang Mayon, 1984

Ang mga uson ang pinakanakamamatay na bulkanikong panganib[11] at nililikha ng partikular na uri ng bayolenteng pagputok ng bulkan. Ang bilis nito'y nakadepende sa densidad, bilis ng inilalabas na materyales ng bulkan, at kung gaano katarik ang dalisdis.

Halimbawa ng mga batong nabubuo mula sa paninigas ng uson; pansinin ang pagkakaipit na dinanas ng bato sa kanan (mayroon itong fiamme)

Mga sanhi

baguhin

May ilang mga mekanismo na lumilikha ng isang uson:[12][13][14][15]

  • Fountain collapse o ang pagbagsak ng haligi ng ipinutok na ulap ng gaas at materyales (eruption column) ng isang bulkan bunga ng paghila rito paibaba ng grabidad. Ganito ang nangyari sa kaso ng pagputok ng bulkang Vesuvius sa Italya noong taong 79 CE[16][17] (at nagdulot sa pagkalibing ng mga bayan ng Herculaneum at Pompeya), sa ilang beses nang pagputok ng bulkang Soufriere Hills sa Montserrat,[12] at sa pagputok ng bulkang Pinatubo noong 1991.[18]
  • Pagbubula sa lalamunan ng bulkan sa proseso ng paglabas ng gaas mula sa naiputok nang lava. Ganito ang nangyari sa pagputok ng bulkang Novarupta sa Alaska noong 1912.[19]
  • Pagguho ng lava dome o lava spine. Ito ang nangyari sa Bulkang Pelee sa Martinika noong 1902.[20]
  • Pagguho o pagputok ng gilid ng bulkan[21], tulad ng nangyari sa kaso ng pagputok ng Bundok St. Helens noong 1980.[22]

Mga bahagi

baguhin

May dalawang bahagi ang isang uson.[23] Una ay ang mas mabigat na pyroclastic flow, na binubuo ng mga bato, mas mataas na konsentrasyon ng abo, at matatagpuan sa ilalim na bahagi ng uson. Ang ikalawa ay ang mas magaan na pyroclastic surge, na binubuo naman ng mga gaas at mas mababang konsentrasyon ng bulkanikong abo at nakakubabaw sa pyroclastic flow.[24]

Base surge

baguhin

Ang base surge ay isang uri ng pyroclastic surge ng uson na, dahil sa init nito, ay kayang lumutang at maglakbay sa ibabaw ng tubig.[25][26] Sa init ng ulap na ito, kumukulo ang ibabaw ng tubig.

 
Base surge sa pagputok ng bulkang Taal

Laki at epekto sa tao at kapaligiran

baguhin

Aabot ang dami ng uson mula sa ilang daang kubiko metro hanggang sa higit sa 1,000 kubiko kilometro.[27][28] Kapag mas malaki o marami ang lamang materyal ng uson, mas malayo ang kaya nitong lakbayin bagaman bihirang mangyari[29] ang mga usong kayang tumawid ng daan-daang kilometro. Ang karaniwang uson ay may laking isa hanggang sampung kubiko kilometro at naglalakbay ng ilang kilometro.[30]

Ang momentum ng pagkilos nito ay kayang magpadapa ng mga puno at gusali sa dinaraanan nito.[8][9][31] Ang napakainit na temperatura nito ay kayang sumunog sa mga nabubuhay na organismo o gawin silang abo[32] at tumunaw ng bakal at kongreto[33]. Ang epekto naman ng matinding init ng uson sa tao sa partikular ay ang mabilis na pagkakasunog ng balat at kalamnan at pagkulo at pagsabog ng utak, habang ang makapal na abo naman ay babara sa daanan ng hinihingang hangin.[34][35]

Ang presensya at paghahalo ng hangin sa loob ng uson ay "nakapagpapadulas" sa pagitan ng mga piraso ng solido sa loob nito, na siya namang dahilan kung bakit kayang makalakbay nang malayo ng mga uson mula sa pinagmulan nitong bulkan.[36]

Hindi natatapos dito ang panganib na idinudulot ng uson. Ang mga naiwan nitong abo, bato, at debris ay maaaring pakilusin ng ulan bilang lahar.[37]

Paano makakaligtas

baguhin

Sa pangkalahatan, walang paraan upang makaligtas sa uson kundi ang umiwas dito nang maaga sa pamamagitan ng pagbabakwit kapag iniatas na ng mga kinauukulan[38][39] o sa pamamagitan ng hindi paglalagi o pagtatayo ng bahay o istruktura sa mga namapa nang daluyan nito. Hindi epektibo ang pagtago sa gusali o sa isang kweba dahil sa tindi ng init nito na kaya ring painitin ang hangin sa loob ng tataguan[40]. Hindi rin uubra ang pagtakbo mula rito sa bilis ng pagkilos nito.[41] Dahil kayang dumaan ng uson sa mga harang at gumalaw paakyat[42], hindi rin epektibo ang magtangkang umakyat sa mas mataas na mga lugar.

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://brigadanews.ph/ash-fall-at-uson-na-ilan-sa-mga-kahaharaping-panganib-sakaling-lumala-pa-ang-sitwasyon-ng-bulkang-mayon-binigyang-diin-ng-apsemo/
  2. Esperanza, Jhune (2023-06-15). "Lava flow sa Mayon nananatiling mabagal, posibleng malakas na pagsabog hindi maisasantabi – PHIVOLCS". Radyo Agila DZEC 1062 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Branney M.J. & Kokelaar, B.P. 2002, Pyroclastic Density Currents and the Sedimentation of Ignimbrites. Geological Society of London Memoir 27, 143pp.
  4. Tariman, By Pablo A. (2018-01-23). "Mayon's fury: the view from Sto. Domingo". VERA Files (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Legros, F.; Kelfoun, K. (2000-05-01). "On the ability of pyroclastic flows to scale topographic obstacles". Journal of Volcanology and Geothermal Research (sa wikang Ingles). 98 (1): 235–241. doi:10.1016/S0377-0273(99)00184-5. ISSN 0377-0273.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "MSH Pyroclastic flow [USGS]". pubs.usgs.gov.
  7. 7.0 7.1 "Pyroclastic flows move fast and destroy everything in their path | U.S. Geological Survey". www.usgs.gov. Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Wilson, G.; Wilson, T. M.; Deligne, N. I.; Cole, J. W. (2014-10-01). "Volcanic hazard impacts to critical infrastructure: A review". Journal of Volcanology and Geothermal Research (sa wikang Ingles). 286: 148–182. doi:10.1016/j.jvolgeores.2014.08.030. ISSN 0377-0273.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Fisher, Richard V.; Orsi, Giovanni; Ort, Michael; Heiken, Grant (1993-06-01). "Mobility of a large-volume pyroclastic flow — emplacement of the Campanian ignimbrite, Italy". Journal of Volcanology and Geothermal Research (sa wikang Ingles). 56 (3): 205–220. doi:10.1016/0377-0273(93)90017-L. ISSN 0377-0273.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Cassidy, Cody. "How to Escape From a Volcano Eruption". Wired (sa wikang Ingles). ISSN 1059-1028. Nakuha noong 2023-07-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Auker, Melanie Rose; Sparks, Robert Stephen John; Siebert, Lee; Crosweller, Helen Sian; Ewert, John (2013-02-14). "A statistical analysis of the global historical volcanic fatalities record". Journal of Applied Volcanology. 2 (1): 2. doi:10.1186/2191-5040-2-2. ISSN 2191-5040. S2CID 44008872.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Cole, P. D.; Calder, E. S.; Sparks, R. S. J.; Clarke, A. B.; Druitt, T. H.; Young, S. R.; Herd, R. A.; Harford, C. L.; Norton, G. E. (2002-01). "Deposits from dome-collapse and fountain-collapse pyroclastic flows at Soufrière Hills Volcano, Montserrat". Geological Society, London, Memoirs (sa wikang Ingles). 21 (1): 231–262. doi:10.1144/GSL.MEM.2002.021.01.11. ISSN 0435-4052. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  13. "Volcanic hazards". British Geological Survey (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Buchwaldt, Robert (2013), Bobrowsky, Peter T. (pat.), "Pyroclastic Flow", Encyclopedia of Natural Hazards, Dordrecht: Springer Netherlands, pp. 791–796, doi:10.1007/978-1-4020-4399-4_281, ISBN 978-90-481-8699-0, nakuha noong 2023-07-28{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Beget, James E.; Limke, Anthony J. (1988-06-01). "Two-dimensional kinematic and rheological modeling of the 1912 pyroclastic flow, Katmai, Alaska". Bulletin of Volcanology (sa wikang Ingles). 50 (3): 148–160. doi:10.1007/BF01079679. ISSN 1432-0819.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Neri, Augusto; Esposti Ongaro, Tomaso; Menconi, Gianluca; De'Michieli Vitturi, Mattia; Cavazzoni, Carlo; Erbacci, Giovanni; Baxter, Peter J. (2007-02-24). "4D simulation of explosive eruption dynamics at Vesuvius". Geophysical Research Letters (sa wikang Ingles). 34 (4). doi:10.1029/2006GL028597. ISSN 0094-8276.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. https://www.soest.hawaii.edu/GG/FACULTY/JHAMMER/documents/Shea_Geology_2011.pdf
  18. "W.E. Scott". pubs.usgs.gov. Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Gonnermann, H. M.; Houghton, B. F. (2012-10). "Magma degassing during the Plinian eruption of Novarupta, Alaska, 1912: MAGMA DEGASSING NOVARUPTA, ALASKA, 1912". Geochemistry, Geophysics, Geosystems (sa wikang Ingles). 13 (10): n/a–n/a. doi:10.1029/2012GC004273. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  20. Gueugneau, Valentin; Kelfoun, Karim; Charbonnier, Sylvain; Germa, Aurelie; Carazzo, Guillaume (2020). "Dynamics and Impacts of the May 8th, 1902 Pyroclastic Current at Mount Pelée (Martinique): New Insights From Numerical Modeling". Frontiers in Earth Science. 8. doi:10.3389/feart.2020.00279/full. ISSN 2296-6463.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Coussens, Maya; Wall-Palmer, Deborah; Talling, Peter. J.; Watt, Sebastian. F. L.; Cassidy, Michael; Jutzeler, Martin; Clare, Michael A.; Hunt, James. E.; Manga, Michael; Gernon, Thomas. M.; Palmer, Martin. R. (2016-07). "The relationship between eruptive activity, flank collapse, and sea level at volcanic islands: A long-term (>1 Ma) record offshore Montserrat, Lesser Antilles: FLANK COLLAPSES AT VOLCANIC ISLANDS". Geochemistry, Geophysics, Geosystems (sa wikang Ingles). 17 (7): 2591–2611. doi:10.1002/2015GC006053. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  22. "Pyroclastic Flow Hazards at Mount St. Helens | U.S. Geological Survey". www.usgs.gov. Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. https://www.nps.gov/articles/000/pyroclastic-flows-and-ignimbrites-and-pyroclastic-surges.htm
  24. https://www.annualreviews.org/doi/10.1146/annurev-fluid-122414-034252
  25. Moore, James G. (1967) "Base surge in recent volcanic eruptions," Bulletin Volcanologique, 2nd series, 30 : 337–363.
  26. https://doi.org/10.1007%2Fs00445-002-0250-1
  27. volcanology.geol.ucsb.edu https://volcanology.geol.ucsb.edu/deposits.htm. Nakuha noong 2023-07-28. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Definition of Technical Term : INTERNATIONAL SABO NETWORK". www.sabo-int.org. Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Cas, Ray A. F.; Wright, Heather M. N.; Folkes, Christopher B.; Lesti, Chiara; Porreca, Massimiliano; Giordano, Guido; Viramonte, Jose G. (2011-12-01). "The flow dynamics of an extremely large volume pyroclastic flow, the 2.08-Ma Cerro Galán Ignimbrite, NW Argentina, and comparison with other flow types". Bulletin of Volcanology (sa wikang Ingles). 73 (10): 1583–1609. doi:10.1007/s00445-011-0564-y. ISSN 1432-0819.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. de' Michieli Vitturi, M., Esposti Ongaro, T., Lari, G., and Aravena, A.: IMEX_SfloW2D 1.0: a depth-averaged numerical flow model for pyroclastic avalanches, Geosci. Model Dev., 12, 581–595, https://doi.org/10.5194/gmd-12-581-2019, 2019.
  31. https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0377027321002584#s0120
  32. "Effects of pyroclastic flows: intense heat burns vegetation and buildings". volcanoes.usgs.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-07-28. Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Sigurdson, H., Carey, S.N., and Fisher, R.V., 1987, The 1982 eruptions of El Chichon volcano, Mexico (3): physical properties of pyroclastic surges: Bulletin of Volcanology, vol 49, p. 467- 488.
  34. Dellino, Pierfrancesco; Dioguardi, Fabio; Isaia, Roberto; Sulpizio, Roberto; Mele, Daniela (2021-03-02). "The impact of pyroclastic density currents duration on humans: the case of the AD 79 eruption of Vesuvius". Scientific Reports (sa wikang Ingles). 11 (1): 4959. doi:10.1038/s41598-021-84456-7. ISSN 2045-2322.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Andrews, Robin. "This Is How A Volcano's Pyroclastic Flow Will Kill You". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. https://www.nature.com/articles/s41561-019-0338-2
  37. https://www.pna.gov.ph/articles/1022749?__cf_chl_rt_tk=y12XDREL1DIiLgHA2trAuASm10o22LW_hYLIWppVreQ-1690598342-0-gaNycGzNC9A
  38. https://pnsn.org/outreach/volcanichazards/pyroclastic-flows
  39. https://appliedvolc.biomedcentral.com/articles/10.1186/s13617-021-00109-4
  40. Andrews, Robin. "This Is How A Volcano's Pyroclastic Flow Will Kill You". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. https://www.express.co.uk/news/world/969293/Guatemala-volcano-eruption-Fuego-pyroclastic-flow-deadly-video-live-volcano-latest
  42. https://www.newscientist.com/article/mg18524921-100-when-lava-flows-uphill/