Ang utang na loob ay napapagkamali ng isang katangian na ipinapapakita ng mga Pilipino lamang. Baka ito ay nagiging nakakalito dahil ang kahalagahang ito ay nagbabago sa iba't ibang katutubong grupo sa buong bansa.

Ayon kay Charles Kaut (1961), ang "utang na loob" ay hindi katangi-tanging Pilipino. Ito ay makikita rin sa Washington, D.C. kaso lang mas binibigyan ng kahalagahan ng mga Amerikano ang kaliwaan. Kaya ang pagsasabi na ang "utang na loob" ay ipinapakita ng mga Pilipino lamang ay nakakalinlang at mapanganib. Ang "utang na loob" ay nagiging isang madaling paraan para maitaguyod ang status kolonyal sa utak ng Pilipino (Enriquez 1977). Ang Ingles na interpretasyon nito ay resiprosidad at ito ay nakakatulong sa pagtaguyod ng imahe na ang mga kolonisador ang mas may nakukuha. Sa pag-aaral ni Kaut, ang "utang na loob" bilang palitan ng kalakal at pabor ang naging tanyag na interpretasyon nito pero ang "utang na loob" ay hindi kasing may balak ng kasabihang "you scratch my back, I scratch yours". Isinalin rin ni Kaut, na ang "utang na loob" ay "debt of gratitude" pero yung dating konsepto parin ang nanatili hanggang napalitan ito ng resiprosidad.

Mas pinalaganap pa ng isang dalub-agham na si Holleinsteiner ang maling interpretasyon ng "utang na loob" noong sinabi niya na ito ay "kontraktwal". Habang kinikilala naman niya ang importansya ng emosyon (ang pinakamalapit niyang konsepto sa loob), sinasabi niya na ang taong nakatanggap ay naitutulak na ipakita ang kanyang pasasalamat sa paraan ng pagbabalik ng pabor na may interes. Ang pagsusuri naman ni De Mesa (1987) ng "utang na loob" bilang pangako sa "pagkakaisa ng tao" ay mas malapit sa lohika ng ugaling Pilipino at ang gamit nito sa ating wika. Ayon kay De Mesa, gumagana ito bago pa ang pagtanggap ng isang pabor. [1]

Sa Sikolohiyang Pilipino, ang "utang na loob" ay isang importanteng "accommodative surface value" kasama ng hiya at pakikisama. Ang kabilang grupo naman ay ang "confrontative surface values" kung saan nakabilang ang mga kahalagahan tulad ng lakas ng loob at pakikibaka. [2]

Ang "utang na loob" ay ang obligasyon na nararamdaman ng isang tao na muling bayaran ang isang taong gumawa ng pabor para sa iyo. Ang mga pabor na nakakalabas ng "utang na loob" sa isang tao ay yung mga pabor na hindi matutumbasan ng halaga o kung may halagang nakasangkot, may kasamang malalim na dimensyong personal na panloob. [3] Ang panloob na dimensyong ito (loob) ay ang nag-iiba sa "utang na loob" sa ordinaryong utang. Dahil sa internal na kababalaghan na ito, mas malalim ito kaysa sa normal na utang o kahit ang kanluraning konsepto ng pag utang sa isang pabor. Ipinapaliwanag ng Sikolohiyang Pilipino na ito ay isang repleksyon ng kapwa.

Ang "utang na loob" ay isang kahalagahan na gumagalaw para makilala, mairespeto, maitaguyod, at minsan maipatanggol ang pangunahing karangalan ng bawat tao. [4] KulturaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Enriquez, Virgilio (1992). From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience. Quezon City: University of the Philippines Press. p. 66-69.
  2. de Guia, Katrin (2005). Kapwa: The Self in the Other: Worldviews and Lifestyles of Filipino Culture-Bearers. Pasig City: Anvil Publishing, Inc. p. 378. ISBN 971-27-1490-X.
  3. Borja-Slark, Aileen (January 27, 2008). "Reciprocity and The Concept of Filipino "Utang na Loob "". Filipino-Western Relationships. www.western-asian.com. Retrieved February 5, 2009.
  4. Enriquez, Virgilio (1992). From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience. Quezon City: University of the Philippines Press. p. 70.