Vaginismus
Ang vaginismus (Latin) (Ingles: vaginism, Kastila: vaginismo) ay ang diperensiyang seksuwal kung saan ang mga masel o mga laman ng puki ay umuurong, umiiksi, o lumiliit nang kusa kung kaya't nagiging mahirap o imposible ang pagpasok ng titi.[1] Ito ang pisikal o pisokolohikal na kalagayan na nakakaapekto sa kakayanan ng babae upang makilahok sa anumang uri ng penetrasyon o pagpapasok sa loob ng puki, kasama na ang pakikipagtalik, pagpapasok ng mga tampon o mga tasang pangmens, at ang pagtagos na kasangkot sa mga eksaminasyong ginekolohikal (mga pap test). Inaakala na ito ay resulta ng imboluntaryo (hindi kusa) na mga paghilab o pamumulikat ng mga muskulo ng puki, na nakapagpapahirap o nakapagpapahapdi sa anumang pagpapasok sa butas ng puki - katulad ng sa pakikipagtalik. Habang mayroong kawalan ng ebidensiya upang tiyak na malaman kung anong masel ang talagang nagdurulot ng pamumulikat na ito, ang karaniwang iminumungkahi ay ang masel na pubococcygeus, na kung minsan ay tinatawag na "PC muscle". Ang iba pang mga masel na iminumungkahi ay ang mga masel na levator ani, bulbocavernosus, circumvaginal, at perivaginal.[2]
Vaginismus | |
---|---|
Espesyalidad | Hinekolohiya |
Ang isang babaeng mayroong vaginismus ay hindi kusang kumukontrol ng pamumulikat. Ang vaginismic reflex ay maaaring ihambing sa tugon ng mata na pagsara ng mata kapag ang isang bagay ay lumapit papunta rito. Ang kalubhaan ng vaginismus, pati na ang kirot habang may ipinapasok sa puki (kasama na ang penetrasyong seksuwal), ay magkakaiba sa bawat babae.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.
- ↑ Lahaie, MA; Boyer, SC; Amsel, R; Khalifé, S; Binik, YM (Set 2010). "Vaginismus: a review of the literature on the classification/diagnosis, etiology and treatment". Women's health (London, England). 6 (5): 705–19. doi:10.2217/whe.10.46. PMID 20887170.
{{cite journal}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reissing, Elke; Yitzchak Binik; Samir Khalife (Mayo 1999). "Does Vaginismus Exist? A Critical Review of the Literature". The Journal of Nervous and Mental Disease. 187 (5): 261–274. Nakuha noong 1 Setyembre 2013.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)