Si Vanessa Anne Hudgens (Ipinanganak noong 14 Disyembre 1988 sa Salinas, California) ay isang Amerikanang aktres at mang-aawit. Nag-umpisa siya noong 2003 at lumabas sa mga pelikula sa Hollywood. Ang una niyang pelikula ay pinamagatang Thirteeen at Thunderbirds bago siya sumikat sa 2006 gawa-para-sa-telebisyong pelikula High School Musical. Siya ay nakagawa na rin ng album na pinamagatang V at inilabas noong 2006.

Vanessa Anne Hudgens
Vanessa Hudgens - 2019 by Glenn Francis.jpg
Vanessa Hudgens in Hollywood California - July 2019
Background information
Birth nameVanessa Anne Hudgens
Also known asBaby V
V
Nessa
Born (1988-12-14) Disyembre 14, 1988 (edad 31)
Salinas, California, Estados Unidos
GenresPop, sayaw[1]
Occupation(s)Aktres, mang-aawit, tagapagsalita
Instrumentspagsasalita
Years active2002–kasalukuyan
LabelsHollywood (2006-2009)
Websitewww.vanessahudgens.com

TalambuhayBaguhin

Ipinanganak si Hudgens sa Salinas, California at lumaki siya sa San Diego, California. May nakababata siyang kapatid na si Stella Hudgens na isa ring aktres sa Estados Unidos. Ang kanyang ama na si Greg Hudgens, ay isang Irish-Amerikano na may dugong native american samantalang ang kaniyang ina na si Gina Guangco ay isang Filipina na may dugong Tsinong-Kastila tubong Cebu. Lahat ng kanyang mga lolo't lola ay naging mga manunugtog at mang-aawit noong panahon ng Big Band. Simula noong edad na walo, sumali siya sa mga teatrong musikal bilang isang mang-aawit at sumali sa mga lokal na produksiyon ng Evita, Carousel, The Wizard of Ghost, The King and I, The Music Stairs, Cinderella at iba pa.Naging kasintahan niya si Zac Efron.

Mga sanggunianBaguhin

  1. "( Vanessa Hudgens > )". www.allmusic.com. Nakuha noong 2009-03-10.



  Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.