Vegemite
Ang Vegemite (bigkas: /ved-ji-mayt/ o /ˈvɛdʒɪmaɪt/ VEJ-ə-myt[1][2]) ay isang maitim na kayumangging pagkain sa Australya na ipinapahid, at yari mula sa natirang mga katas ng pampaalsa (katas ng libadura) ng mga tagagawa ng serbesa na mayroong samu't saring mga gulay at mga pangdagdag o aditibong mga pampalasa na nilikha at pinaunlad ni Cyril P. Callister sa Melbourne, Victoria noong 1922.[3]
Bilang isang tanyag na palaman sa mga sandwich, tinustang piraso ng tinapay, at mga biskwit, pati na sa mga pastelerya, ang Vegemite ay kahawig ng Marmite ng Britanya, New Zealand, at Timog Aprika, ng Promite ng Australya, ng Cenovis ng Swisa, at ng Hefeextrakt ng Alemanya. Dahil sa ang tatak na Vegemite ay pag-aari na sa ngayon ng Amerikanong kumpanyang Mondelēz International, pumasok sa pamilihan ang iba pang mga palamang pag-aari ng mga kumpanyang Australyano upang makapagbigay ng panghaliling produkto, katulad ng mga produktong pangunahin nang may libadura katulad ng AussieMite at Ozemite.
Ang Vegemite ay maalat, bahagyang mapait, lasang malta, at mayaman sa umami – kahalintulad ng bulyon na gawa sa karneng baka. Ang tekstura ay makinis at ang produktong ito ay malagkit na parang pandikit. Ang lasa nito ay hindi kasingtapang ng Britanikong Marmite at hindi kasingtamis ng bersiyon ng Marmite na mula sa New Zealand.[kailangan ng sanggunian]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Macquarie Dictionary, Ika-4 na edisyon (2005). Melbourne, The Macquarie Library Pty Ltd. ISBN 1-876429-14-3
- ↑ vegemite. Dictionary.com Unabridged (v 1.1). Random House. 4 Mayo 2009.
- ↑ The Vegemite Story Naka-arkibo 2012-03-19 sa Wayback Machine.. Kraft Foods.