Ang Via del Corso ay isang pangunahing kalye sa makasaysayang sentro ng Roma. Ito ay diretso sa isang lugar na kakikitaan ng mga paligoy-ligoy na eskinita at maliliit na piazza. Itinuturing bilang malawak na kalye noong sinaunang panahon, ang Corso ay tinatayang 10 metro ang lapad, at mayroon lamang itong puwang para sa dalawang daanan ng trapiko at dalawang makitid na mga bangketa. Ang hilagang bahagi ng kalye ay isang pantao lamang. Ang haba ng kalye ay humigit-kumulang na 1.5 kilometro.

Piazza Venezia
San Marcello al Corso
Palazzo Doria Pamphili
Palazzo Chigi
San Carlo al Corso
Via del Corso mula sa Piazza del Popolo

Ang Corso ay tumatakbo sa isang pangkalahatang direksyon sa hilaga-timog. Sa hilaga, iniuugnay nito ang hilagang pasukang tarangkahan ng lungsod, ang Porta del Popolo at ang piazza nito, ang Piazza del Popolo, papunta sa gitna ng lungsod sa Piazza Venezia, sa base ng Burol Capitolino. Sa Piazza del Popolo, ang Via del Corso ay nakakuwadro ng dalawang simbahan ng Baroko, Santa Maria dei Miracoli at Santa Maria sa Montesanto, at sa tabi ng kalye ay ang simbahan ng San Carlo al Corso, ang simbahan ng San Giacomo in Augusta, ang simbahan ng Gesù e Maria, ang Piazza Colonna na may sinaunang haligi ng Marcus Aurelius, ang Galleria Alberto Sordi, ang simbahan ng Santa Maria in Via Lata, ang Oratoryo ng Santissimo Crocifisso, ang simbahan ng San Marcello al Corso, at ang Palazzo Doria Pamphili.

Mga sanggunian

baguhin