Si San Vicente Ferrer (Ingles: St. Vincent Ferrer, 23 Enero 1350 – 5 Abril 1419) ay isang Kastilang misyonerong pari, mangangaral, predikador at pilosopo.

San Vicente Ferrer
San Vicente Ferrer
Kumpesor, Anghel ng Huling Paghuhukom
IpinanganakValencia, Kaharian ng Valencia
Namatay5 Abril 1419(1419-04-05) (edad 69)
Vannes, Brittany
Benerasyon saSimbahang Romano Katoliko, Anglican Communion
Kanonisasyon3 Hunyo 1455, Roma ni Papa Calixto III
Pangunahing dambanaKatedral ng Vannes
KapistahanAbril 5
Katangianpulpito; trumpeta; mga bilanggo; Bibliya
Patronbuilders, construction workers, plumbers

Maagang buhay

baguhin

Siya ang ikaapat na anak ni Guillem Ferrer at ng kanyang kabiyak na si Constancia Miguel. Sinasabi sa isang kuwento na ang ang kanyang ama ay napanaginipan ang isang paring Dominiko na nagsabi sa kanyang ang anak niya ay magiging kilala sa buong daigdig.

Gayundin, sinasabing ang kanyang ina ay hindi nakaramdam ng anumang sakit o hirap nang ipinanganak siya. Siya ay nag-aayuno tuwing Miyerkules at Biyernes at gayon na lamang ang kanyang pag-ibig sa Pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo. Ugali niyang tumulong sa mahirap at magbahagi ng maraming limos sa kanila. Si Vicente ay nagdesisyong sumali sa Orden ni Sto. Domingo nang papiliin siya ng kanyang ama kung ibig ba niyang maging sekular, eklesyastikal o isang relihiyoso.

Siya ay labingwalong taong gulang nang umanib sa mga Dominiko at mag-aral ng pilosopiya at teolohiya. Siya ay laging nananalangin at nagpepenitensiya. Sa loob ng tatlong taon ay kanyang binasa ang Banal na Kasulatan lamang at di naglaon ay nakabisado niya ito. Naging guro rin siya sa Banal na Teolohiya at naatasang magbigay ng mga panayam sa pilosopiya. Di nagtagal, siya ay ipinadala sa Barcelona at sumunod ay sa Pamantasan sa Lleida kung saan ay kanyang nakamit ang kanyang doktorado sa teolohiya.

Mga kakayahang panrelihiyon

baguhin

Ayon kay Vicente, ang Dakilang Paghahati (Great Schism) ay nagdulot ng matinding dalamhati sa kanya at naging sanhi ng kanyang matinding pagkakasakit sa edad na apatnapu. Kanya ring sinabi na pinagaling siya ng Diyos at inutusang siyang maglakbay at binyagan sa Kristiyanismo ang marami. Sa loob ng 21 taon, sinasabing nagawa niyang maglakbay sa Aragon, Kastilya, Switzerland, Pransiya, Italya, Inglatera, Ireland at Scotland kung saan kanyang ipinangaral ang Ebanghelyo at nagbinyang ng di mabilang na dami ng tao. Marami sa mga manunulat ng kanyang talambuhay ay naniniwalang siya ay biniyayaan ng kakayahang Makapagsalita at Makaunawa ng Iba't-ibang Wika gayong ang wika lamang niyang alam ay Catalan. Siya rin ang itinuturong dahilan ng pagpapabinyag sa Kristiyanismo ng napakaraming Hudyo. Isa sa kanyang mga nabinyagan, isang guro ng Hudaismo na nagngangalang Solomon ha-Levi ay naging Arsobispo ng Kartahena at kalaunan ay Arsobispo ng Burgos.

Mga gawaing pampolitika

baguhin

Si Vicente ay namagitan sa isang suliraning pampolitika sa kanyang bayan na nagdulot sa Kompromiso ng Caspe kung saan ay ibinigay ang Korona ng Aragon sa isang prinsipeng Kastilyano, si Fernando de Antequera.

Ayon sa ilang pinagmulan, si Vicente ay isang magiliw na tagasunod ng noo'y Papa sa Avignon, Benito XIII na mas kilala sa tawag na "Papa Luna" sa Kastilya at Aragon. Siya ay masugid na sumuporta sa kanya at naniwalang si Benito XIII ang totoong Santo Papa. Ayon naman sa iba, si Vicente ang nagsumikap na kumbinsihin si Benito XIII na tapusin na ang Dakilang Paghahati. Matapos siyang paulit-ulit na pangakuan nito sa mahabang panahon at hindi magkaroon ng katuparan ang mga pangako, si Vicente ang nagmungkahi kay Haing Fernando ng Kastilya na bawiin ang kanyang suporta mula kay Benito XIII.

Kamatayan at kanonisasyon

baguhin

Si San Vicente Ferrer ay pumanaw noong 5 Abril 1419 sa Vannes, Brittany sa Kaharian ng Pransiya at siya ay inilibing sa Katedral ng Vannes. Siya ay kinanonisa ni Papa Calixtus III noong 3 Hunyo 1455. Ang kanyang kapistahan ay Abril 5.