Vida Florante
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2008)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Si Vida ay unang lumabas sa mga pelikula ng mga Nolasco. Pagkatapos ng giyera ay ipinakilala siya sa pelikulang Fort Santiago.
Noong 1948 isang Pampamilyang-Drama ang kanyang ginawa at isa siya sa apat na magkakapatid kasama sina Rosa Rosal at Leila Morena sa pelikulang 4 na Dalangin.
Tatlong pelikula na niya sa Luis Nolasco Productions ang Mga Busabos ng Palad kung saan ginampanan ang papel ng isang dukha. Nakadalawa lamang siyang pelikula sa LVN Pictures iyon ay ng itambal siya kay Leopoldo Salcedo sa Sierra Madre at ang Komedya na Ang Kandidato nina Pugo at Togo.
Tatlo ang ginawa niya sa Liwayway Pictures, iyon ay ang Makapili, Tatlong Birhen at Dinukot.
Nenita Unit ang huli niyang pelikula mula sa Luzon Theaters Inc. kasama rin si Anita Linda na isang pelikulang Aksiyon.
Siya rin ang gumanap sa pelikulang "Seksing-Seksi" ng Luis F. Nolasco Productions na itinanghal noong 1959.
Siya ay pumanaw noong Marso 12, 2008 sa Las Vegas, Nevada, USA.
Kapanganakan
baguhinPelikula
baguhin- 1946 -Fort Santiago
- 1948 -4 na Dalangin
- 1948 -Mga Busabos ng Palad
- 1948 -Sierra Madre
- 1949 -Ang Kandidato
- 1951 -Makapili
- 1951 -Tatlong Birhen
- 1951 -Dinukot
- 1953 -Nenita Unit
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.