Virginia Bolten

anarkistang taga-Arhentina (1870–1960)

Si Virginia Bolten (1870–1960) ay isang mamamahayag sa Argentina, isang anarkista at feminist na may lahing Aleman. Isa siyang likas na mananalumpati,[1][2] siya ay itinuturing bilang isang tagapanguna sa pakikibaka para sa mga karapatan ng kababaihan sa Argentina. Pinatapon siya sa Uruguay noong 1902, kung saan siya nanatili hanggang sa kanyang kamatayan.

Virginia Bolten
Litrato ni Virginia Bolten
Kapanganakan1870
San Luis, Argentina o posible rin na sa San Juan
Kamatayan1960
Montevideo, Uruguay
TrabahoMamamahayag, aktibista
Kilala saarakistang naglalathala ng pahayagan, nag-organisa ng unang organizing May Day na demonstrasyon sa Timog Amerika

Talambuhay

baguhin

Si Virginia Bolten, anak na babae ng isang emigranteng Aleman, ay isinilang noong 1870 sa Argentina, hindi tukoy kun sa San Luis o San Juan. Ginugol niya ang kanyang pagkabata sa San Juan, isang lalawigan ng Argentina at pagkatapos ay lumipat sa Rosario noong siya ay 14 taong gulang. Matapos umabot sa karampatang gulang ay nagtrabaho siya bilang isang sapatero at isang manggagawa sa pabrika ng asukal. Habang nagtatrabaho bilang isang sapatero ay nakilala niya si Juan Marquez, taga-pagbuo ng unyon ng mga sapatero, na kalaunan ay kanyang pinakasalan.[3] Nakatulong sa kanyang pagpapakilala sa mga lupon ng anarkista ay ang kanyang pagkakilala kay Pietro Gori.[4] Makalipas ang ilang taon ng aktibidad sa mga kilusan ng peminista, anarkista, at mga manggagawa, siya ay ipinatapon sa Uruguay sa ilalim ng Batas ng Paninirahan noong 1902.[1][5]

Aktibismo

baguhin

Noong 1888 si Bolten ay naging isa sa mga naglathala ng The Working Baker of Rosario (sa Kastila: El Obrero Panadero de Rosario), isa sa mga unang pahayagan ng anarkista sa Argentina. Noong 1889 ay bumuo siya nang demonstrasyon ng mga mananahi at sunod-sunod na welga sa Rosario, ito marahil ang unang welga ng mga babaeng manggagawa sa Argentina.[3][6]

Noong 1890 sina Virginia Bolten, Romulo Ovidi at Francisco Berri ang mga pangunahing tagapag-ayos ng mga unang demonstrasyon na May Day. Ang iba pang mga editor ng The Working Baker of Rosario ay mayroon din mga mahahalagang papel sa pag-oorganisa ng mga demonstrasyon.[3] Noong Abril 30, 1890 (isang araw bago ang mga demonstrasyon), siya ay ikinulong at kinuwestiyon, ng mga lokal na puwersa ng pulisya, dahil sa pamamahagi ng mga polyeto sa labas ng mga pangunahing pabrika ng lugar. Sa mga demonstrasyon ng May Day pinangunahan niya ang isang pangkat ng mga libu-libong manggagawa na nagmamartsa patungo sa Plaza Lopez, isang lugar sa labas ng Rosario nang mga panahong iyon. Sa buong martsa dinala niya ang pulang bandila, kung saan nakasulat ang "First Of May - Universal Fraternity - The workers of Rosario comply with the provisions of the International Workers Committee of Paris-" (sa Kastila: Primero de Mayo - Fraternidad Universal; Los trabajadores de Rosario cumplimos las disposiciones del Comité Obrero Internacional de París).[7][8]

Matapos siyang ipatapon sa Uruguay, dinala niya ang kanyang pagiging militansya sa Montevideo, kabiserang lungsod ng Uruguay.

La Voz de la Mujer

baguhin

Marahil ay responsable si Bolten sa paglalathala ng pahayagan na tinatawag na La Voz de la Mujer (sa Ingles: The Woman's Voice), na nailathala ng siyam na beses sa Rosario sa pagitan ng 8 Enero 1896 at 1 Enero 1897, at muling binuhay noong 1901. Isang pahayagan na may kaparehong pangalan ang naiulat na nailathala rin sa Montevideo, na nagpapahiwatig na maaaring itinatag din ito ni Bolten at nagsilbing editor nito pagkatapos ng kanyang pagpapatapon.[1]


La Nueva Senda

baguhin

Sa Uruguay, ipinagpatuloy ni Bolten ang kanyang pagiging aktibo, naglathala ng pahayagan na tinatawag na La Nueva Senda ( Ingles: The New Path ) mula 1909 hanggang 1910.[9]

Iba pang mga publikasyon

baguhin

Naglathala siya ng maraming mga artikulo sa mga journal at pahayagan ng anarkista-komunista, ang pinakapansin-pansin dito ay ang La Protesta at La Protesta Humana .

Pamana

baguhin

Isang parke sa Puerto Madero, isang distrito ng Buenos Aires, ang ipinangalan sa kanyang karangalan.[10]

Pelikula

baguhin

Noong 2007 nagpasya ang gobyerno ng Lalawigan ng San Luis sa Argentina na pondohan ang isang pelikula sa paggalang kay Virginia Bolten.[11] Pangunahin na nakatuon ang pelikula sa buhay ni Bolten, anarkistang peminismo at mga kondisyong panlipunan, na humantong sa paglalathala ng La Voz de la Mujer . Ito ay pinamagatang No god, No master, no husband (sa Kastila: Ni dios, ni patrón, ni marido) base sa isa sa mga motto ng pahayagan[11] at si Virginia Bolten ay ginampanan ni Julieta Díaz . Ang pelikula, ay ipinalabas noong Abril 29, 2010, sa Argentina, ito ay dinidirek ng direktor ng Espanya na si Laura Mañá.[12]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Molyneux, Maxine (2001). Women's movements in international perspective: Latin America and beyond. Palgrave MacMillan. p. 24. ISBN 978-0-333-78677-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Moya, José (2002). "Italians in Buenos Aires's Anarchist Movement: Gender Ideology and Women's Participation, 1890-1910". Sa Donna R. Gabaccia, Franca Iacovetta (pat.). Women, gender and transnational lives: Italian workers of the world. U of Toronto P. pp. 195, 205. ISBN 978-0-8020-8462-0. Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Biography of Virginia Bolten". Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Carlson, Marifran (1988). Feminismo!: the woman's movement in Argentina from its beginnings to Eva Perón. Academy Chicago Publishers. pp. 127. ISBN 978-0-89733-152-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Molyneux, Maxine (2003). Movimientos de mujeres en América Latina: estudio teórico comparado (sa wikang Kastila). Jaqueline Cruz (trans.). Universitat de València. p. 42. ISBN 978-84-376-2086-2. Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Moya, José (2002). "Italians in Buenos Aires's Anarchist Movement: Gender Ideology and Women's Participation, 1890-1910". Sa Donna R. Gabaccia, Franca Iacovetta (pat.). Women, gender and transnational lives: Italian workers of the world. U of Toronto P. p. 202. ISBN 978-0-8020-8462-0. Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Portugal, Ana Maria (8 Marso 2005). "Anarquistas: "Neither God nor Master nor husband", is Spanish:"Ni Dios, Ni Patrón, Ni Marido"" (sa wikang Kastila). Mujeres Hoy. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Mayo 2009. Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Museo de la Ciudad" (PDF) (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Ehrick, Christine (2005). The shield of the weak: feminism and the State in Uruguay, 1903-1933. UNM Press. p. 61. ISBN 978-0-8263-3468-8. Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Argentina: Caputo, Salvatori associate". South American Business Information. 6 Disyembre 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Nobyembre 2012. Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Film Adaptation of Virginia Bolten's activities" (sa wikang Kastila). Argentina: Pagina 12. Oktubre 3, 2007. Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Ni dios, ni patrón, ni marido". Nakuha noong 2 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)