Si Vishakha Hari ay isang bokalista ng musikang Karnatika at nagpanguna ng Harikatha, isang anyo ng Hindu na pagkukuwento.

Mga unang araw

baguhin

Ang ama ni Vishakha Hari, si Santhanam, ay isang nakalagang accountant. Ang kanyiang ina, si Vijaya Santhanam, ay nagtapos ng pag-aaral sa kimika at sumunod sa isang espirituwal na guru, si Sri Paranur Krishna Premi (Srisrianna), na kalaunan ay naging biyenan ni Visakha Hari. Ang kaniyang nakababatang kapatid na si Saketharaman ay isa ring bokalista ng musikang Karnatika.

Nakatanggap si Vishakha Hari ng pormal na pagsasanay sa musikang Karnatika mula kay Lalgudi Jayaraman mula sa edad na 6 at Bharata natyam na pagsasanay mula kay Sudharani Raghupathy.[1] Wala siyang pormal na pagsasanay sa Harikatha.[1]

Nag-aral si Viskha Hari ng komersiyo at nagkompleto ng mga kwalipikasyon bilang isang nakatalagang accountant.[2]

Nagpakasal siya kay Sri Hari, isang nagsusulong ng Harikatha, at noong siya ay 22, hinimok siya ng kaniyang biyenan na magkuwento sa kanyang mga pagtatanghal sa musika.[3]

Karera sa musika

baguhin

Mula noong 2006, nagtanghal si Vishakha Hari sa ilang sabhas sa panahon ng Chennai Music Season. Isang artista ng All India Radio, nagbigay siya ng mga diskurso at konsiyerto sa ibang bansa.

Paminsan-minsan ay gumaganap din si Vishakha Hari kasama ang kaniyang asawa, si Sri Hari, na gumagamit ng kanyang arikulong Ingles na pinag-aral upang madagdagan ang kanyang mga pagtatanghal sa kathakalakshepam.

Mga parangal at pagkilala

baguhin

Nakatanggap siya ng mga medalya, premyo, at iba pang mga parangal para sa kaniyang mga kontribusyon sa mga larangan ng musika ng Harikatha at karnatika.[ayon kanino?]*

Nakatanggap siya ng Gawad Vasantashreshtha, iyon ay ang 'woman par excellence', mula sa mga kamay ng kaniyang music guru na si Sri Lalgudi Jayaraman at ang Thyagarja.

Pratidhwani o 'echo of Thyagaraja Swami' na titulo mula sa kaniyang espiritwal na guru at biyenan na si Sri Krishna Premi Swamigal.[kailangan ng sanggunian]

Noong Setyembre 2016. isa siya sa pito sa mga pinakarespetadong babaeng artista ng India.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gowri Ramnarayan (14 Hulyo 2006). "From commerce to katha". The Hindu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Mayo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Vatsala Vedantam (23 Mayo 2008). "The raconteur's raga". The Hindu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Mayo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Chitra Swaminathan (2 Setyembre 2010). "Katha of a different kind". The Hindu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Mayo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)