Ang volleyball o balibol ay isang larong pangkoponan, kung saan ang dalawang magkatunggaling koponan ay pinaghihiwalay ng net. Tinatangka ng bawat isang koponan na magkaiskor ng puntos sa pamamagitan ng pagpapatama ng bola sa court ng kalabang koponan alinsunod sa mga nakabalangkas na tuntunin.[1] Nagsimula itong maging bahagi ng opisyal na programa ng Summer Olympic Games noong 1964.

Laban ng balibol sa pagitan ng Brazil at Tsina
Talaksan:Voleybal Nederland-Albanië.ogv
Netherlands at Albania sa pagitan ng volleyball

Nagmula ang balibol sa Estados Unidos at ngayo'y nilalaro na halos sa buong mundo. Ang Fédération Internationale de Volleyball (FIVB) ang lupon na namamahala ng naturang isports na may 220 bansang kasapi.[2] Ang mga nangungunang bansa sa larong ito sa ika-21 siglo ay ang Brazil, Estados Unidos, Italya, Rusya, Hapon, Serbia, Poland, Cuba, Tsina at Alemanya. Ayon sa pagtataya sa ngayon ng FIVB, sangkanim (1/6) ng tao sa buong mundo ay aktibong nakikilahok o nanonood ng balibol.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Volleyball". International Olympic Committee. Nakuha noong 2007-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Federation (sa wikang Ingles), FIVB, 2014-11-18{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)