Von
Sa Aleman, ang von [fɔn] ay isang preposisyon na humigit-kumulang ay nangangahulugang ng o mula sa. Kapag ginamit ito bilang isang bahagi ng apelidong Aleman, karaniwan na ito ay isang partikulong nobiliyaryo (katagang pangmaharlika), na katulad ng de sa Pranses, Italyano, Kastila at Portuges.[1] Sa ilang mga pagkakataon at mga pook, naging ilegal o labag sa batas para sa sinuman na hindi kasapi sa kamaharlikahan na gamitin ang von bago ang apelido. Subalit, sa Hilagang Alemanya at sa Switzerland ang partikulong von ay nananatili pa rin na isang karaniwang bahagi ng mga apelido at malawakan ding ginagamit ng mga karaniwang tao, samantalang isa naman itong karaniwang gawain noong Gitnang Kapanahunan sa lahat ng mga pook na nagsasalita ng Aleman; kung kaya't ang "Hans von Duisburg" ay may kahulugang [si] Hans mula sa [lungsod ng] Duisburg. Ang Olandes na van, na kaugnay ng von subalit hindi nagpapahiwatig ng nobilidad, ay maaaring sabihin na nakapagpanatili ng ganiyang kahulugan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ nobiliary particle na nasa reference.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.