Si Vrasidas (Ellinika: Βρασίδας) (d. 422 BC) ay isang opisyal na taga-Lakedaimon (Isparti) noong unang dekada ng Digmaang Pelopónnisos.

Anak siya nina Tellis at Argileonis, at napagtagumpayan ang una niyang laurel sa pamamagitan ng pagligtas ng Methóni, na kinukubkob ng mga taga-Athina (431 B.K.). Sa sumunod na taon mukhang nagi siyang eponymous ephor (Xen. Hell. ii. 3, 10), at noong 429 isinugo siya bilang isa sa tatlong komisyoner na magpapayo kay admiral Knimos. Bilang triirarkhos ipinakita niya ang kahusayan niya sa paglubos sa posisyon ng mga taga-Athina sa Labanan ng Pylos, kung saan siya malubhang nasugatan (Thuc. iv. II. 12).

Sa sumunod na taon, habang nag-iipon ng puwersa si Vrasidas sa Korinthos para mangampanya sa Thraki, ay sinugpo niya ang pag-atake ng mga taga-Athina sa Megara (Thuc. iv. 70-73), at pagkatapos ay nagmartsa sa Thessalía na nangunguna sa 700 eilotes at 1000 mersenaryong taga- Pelopónnisos upang sumama kay haring Perdikkas ng Makedonia. Ayaw ni Vrasidas na magamit sa pagpapalawig ng ambisyon ni Perdikkas, kaya inilunsad niya ang kanyang pangunahing layunin, at, bunga na rin ng bilis at tapang ng kanyang pagkilos, at personal na karisma, at moderasyon ng mga kahilingan, ay nagtagumpay sa tag-niyebe na makuha ang mga importanteng lungsod ng Akhantos, Stagiros, Amfipoli at Toroni gayundin ang ilang maliliit na bayan. Ang paglusob sa Iion ay naunsiyami ng pagdating ni Thoukydidis, ang historyador, na nangunguna sa Athinang hukbo. Noong tagsibol ng 423 nagkasundo ang Athina at Lakedaimon na magkaroon ng tigil-labanan, nguni't ang pagpapatupad nito ay nalagay sa balag ng alanganin ng tumanggi si Vrasidas na isauli ang Skioni, na ayon sa mga partisanong taga-Athina ay naghimagsik dalawang araw pagkatapos na magsimula ang tigil-labanan; at sa kanyang pagsakop sa Mendi pagkatapos na pagkatapos nito.

Binawi ng isang plota mula Athina, sa pamumuno nina Nikias at Nikostratos, ang Mendi at binangkulong ang Skioni, na bumagsak naman pagkatapos ng dalawang taon (421 B.K.). Samantala sumama si Vrasidas kay Perdikkas sa isang kampanya laban kay Arrhabaeus, hari ng Lyncesti, na nagapi. Sa paglapit ng isang pangkat ng mga taga-Illyria, bagama't si Perdikkas ang kumumbida sa kanila, ay bigla na lamang nagdeklara ng pagkampi kay Arrhabaeus, at nagtakbuhan ang mga taga-Makedonia. Ang puwersa ni Vrasidas ay naligtas lamang sa kanilang kritikal na posisyon sa pamamagitan ng kanyang pagiging kalmado at kayang abilidad. Nagbunga ito ng pag-aaway nina Vrasidas at Perdikkas, kaya ang huli ay biglang nakipagtratado sa Athina. Ang tratado ito ay may mga piraso pang mababasa sa ngayon (I.G. i. 42).

Noong Abril 422, napaso na ang tigil-labanan ng Athina at Lakedaimon, kaya noong tag-init nang taong ding iyon ay ipinadala si Kleon sa Thraki ng Athina. Nilusob niya ang Toroni at Galipsos at naghanda ng pag-atake sa Amfipoli. Pero ang walang ingat na pagmamanman ay nagbigay kay Vrasidas ng oportunidad na masigla at matagumpay na biglang lumabas sa Ampifoli. Natalo ang nagtatakbuhang hukbo ng Athina at namatayan sila ng 600 tao, at si Kleon ay nahiwalay at napatay. Sa panig ng Lakedaimon sinasabi na pito lamang ang namatay, pero kabiling dito si Vrasidas. Inilibing siya sa Amfipoli nang engrande, at sa pagdaan ng panahon ay itinuring na tagapagtatag ng lungsod at pinarangalan ng taunang laro at pagsasakripisyo (pag-aanito) (tingnan ang Labanan sa Amfipoli Thuc. iv. 78-v. II). Isang kenotafion (kenotaf?, bantayog) ang itinayo bilang paggunita sa kanya sa Lakedaimon malapit sa puntod nina Pafsanias at Leonidas. At taon-taon ay nagkakaroon ng pagtatalumpati at palaro bilang parangal sa kanya. Tanging ang mga taga-Lakedaimon ang makakalahok sa paligsahan (Paus. iii. 14). Kaya't ang dalawang pangunahing tagapagtaguyod ng tuloy-tuloy na pakikidigma sa Athina at Pelopónnisos, si Vrasidas at Kleon, ay parehong napatay sa iisang labanan, at ang daan ay nabuksan para sa negosasyon sa kapayapaan sa ilalim ng mga mas mahinahong pinuno.

Pinagsanib ni Vrasidas sa pagkatao niya ang personal na katapangan na makikita sa Lakedaimon at ang mga birtud na wala sa karaniwang taga-Lakedaimon. Mabilis siyang gumawa ng plano at ipinapatupad kaagad ito nang walang pag-aalinlangan. Sa pamamagitan ng husay sa pagtatalumpati na di-karaniwan sa mga taga Lakedaimon ay isinama niya ang mapagkasundong asal na umakit nang maraming kaibigan para sa sarili niya at sa Lakedaimon (Thuc. iv. 81).

Tingan ang salaysay ni Thoukydidis; Ang idinagdag ni Diodoros xii. ay pawang mabulaklak na talumpati o kathang-isip lamang. Mababasa ang mas mahabang salaysay sa mga kasaysayan ng Ellada (e.g. iyong kina George Grote, Karl Julius Beloch, Georg Busolt, Meyer) at sa G. Schimmelpfeng, De Brasidae Spartani rebus gestis atque ingenio (Marburg, 1857).

Panlabas na kawing

baguhin

Mga sanggunian

baguhin