Vrije Universiteit Brussel

Ang Vrije Universiteit Brussel   ay isang pamantasan sa wikang Dutch na matatagpuan sa Brussels, Belhika.[1] Ito ay may tatlong kampus: Brussels Humanities, Science and Engineering Campus (sa Etterbeek), Brussels Health Campus (sa Jette), at Brussels Technology Campus (sa Kaai).[2]

Rectoraat, VUB

Ang pangalan ng unibersidad ay paminsan-minsang dinaglat bilang "VUB" o isinasalin bilang "Malayang Unibersidad ng Brussels" (Ingles: Free University of Brussels). Gayunpaman, ito opisyal na patakaran ng unibersidad na huwag gamitin ang mga pagdadaglat o pagsasalin ng pangalan nito, dahil sa posibleng pagkalito sa isa pang unibersidad na may parehong pangalang salin: ang Université Libre de Bruxelles.

Sa katunayan, ang Vrije Universiteit Brussel ay nabuo sa pamamagitan ng paghahati sa 1970 ng mismong Université Libre de Bruxelles, na itinatag noong 1834 sa pamamagitan ng abogadong Flemish-Brussels na si Pierre-Théodore Verhaegen. 

Ang unibersidad ay nakaayos sa 8 fakultad na isinasagawa ang tatlong pangunahing misyon ng unibersidad: pag-aaral, pananaliksik, at serbisyo sa komunidad. Ang mga fakultad ay sumasakop sa isang malawak na hanay ng mga larang kabilang ang agham pangkalikasan, klasikos, agham ng buhay, agham panlipunan, sining, at inhenyeriya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Vrije Universiteit Brussel is one of the five universities officially recognised by the Flemish government. A list of all official institutes of higher education in Flanders is maintained by the Flemish government.
  2. "Campuses". vub.ac.be. 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-26. Nakuha noong 2018-03-06.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

50°49′19″N 4°23′36″E / 50.82186°N 4.39338°E / 50.82186; 4.39338   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.