WaT
Isang Hapones na pop duo ang WaT (Wentz and Teppei). Binubuo ito nina Eiji Wentz at Teppei Koike. Nagkakilala sila noong 2002 at nagsimulang tumugtog sa mga lansangan gamit ang kanilang mga gitara. Kilala ding aktor at komedyante si Eiji, isang Hapong-Amerikanong Aleman. Kilala ding aktor si Teppei at kayang tumugtog ng harmonica. Umabot sa ikalawang puwesto sa Oricon chart ang kanilang unang single na "Boku no Kimochi"(Ang Aking Damdamin).
WaT | |
---|---|
Pinagmulan | Hapon |
(Mga) Genre | rock music pop music |
Mga taon ng kasiglahan | 2005–kasalukuyan |
(Mga) tatak | Universal Music |
Websayt | http://www.universal-music.co.jp/wat/ |
Members | |
Eiji Wentz Teppei Koike |
Mga Kasapi
baguhin- Eiji Wentz (ウエンツ瑛士, ipinanganak noong Oktubre 8, 1985 sa Tokyo)
- Teppei Koike (小池徹平, ipinanganak noong Enero 5, 1986 sa Osaka)
Pareho silang bokalista at gitarista. Tinutugtog din ni Eiji ang bass guitar, keyboard, tambourine at maraca. Kaya namang tugtugin ni Teppei ang blue harp.
Diskograpiya
baguhinMga Single
baguhinAlbums
baguhinDVDs
baguhinMga Kawing Panlabas
baguhin- (sa Hapones) Opisyal na websayt ng WaT
- (sa Hapones) Opisyal na websayt ni Eiji Wentz Naka-arkibo 2009-03-06 sa Wayback Machine.
- (sa Hapones) Opisyal websayt ni Teppei Koike