Watawat ng dalangin
Ang watawat ng dalangin o watawat na pampanalangin ay isang makulay na parihaba o rektanggulong telang kalimitang matatagpuan nakatali sa kahabaan ng mga gilid at tuktok ng mga matataas na bundok sa Himalaya. Ginagamit ang kalipunan ng mga banderitas na ito upang basbasan ang nakapaligid na mga bayan o para sa iba pang mga layunin. Walang ganito sa ibang mga sanga ng Budismo. Pinaniniwalaang nagmula ito mula sa Bön, na mas nauna pa sa pangkasulukuyang anyo ng Budismo sa Tibet.[1] Ayon sa tradisyon, nalilimbagan ito ng mga teksto at mga larawan.
Sanggunian
baguhin- ↑ "Radiant Heart: The Prayer Flag Tradition" (PDF). prayerflags.com. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-07-12. Nakuha noong 2007-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.