Blog

(Idinirekta mula sa Weblog)

Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang elektronikong talaarawan o diyornal. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogger ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon, saloobin, mungkahi, adbokasiya, alaala, kaisipan at iba pa.

Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging, vlogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.

Ang salitang weblog, web log o web-log ay unang narinig mula kay Jorn Barger noong 17 Disyembre 1997. Habang ang pinaikling anyo nito - blog ay mula sa isang biro ni Peter Merholz noong Mayo 1999. Magmula noon, nagsilbing isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng journalism ang blogging. Sa Pilipinas noong Disyembre 2009, isang photoblog ang nagsilbing pinanggalingan ng halos lahat ng mga pangkat pambalita para ibalita ang isang sunog noong buwang iyon. Pero, nagmula rin sa blog ang karamihan sa mga kontrobersiyang kadalasan ay nagpapatama sa mga mahahalagang personalidad.


Internet Ang lathalaing ito na tungkol sa Internet ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.